Bakit?

By Maki

On Tanong

Released on June 30, 2023

14K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Oh, pa'no sa ilang taon na 'yon

Na akala ko ay tunay, oh, bakit nagbago?

Nagtataka, nalilito

Minahal mo nga ba talaga ako?


[Pre-Chorus]

Bakit ikaw ang sigaw ng aking puso?


[Chorus]

Kahit na ilang beses mo 'kong iniwanan

Paulit-ulit na akong inagawan

Ng mga sandaling ika'y kinailangan

Nanatili pa rin ako sa tahanang iniwan mo


[Verse 2]

Oh, bakit 'di na ako ang 'yong gusto?

May iba na bang gwapo sa mata mo?

Kasi kung paruparo sa tiyan ang basehan

Ng pagmamahal, nakalutang na ako


[Pre-Chorus]

Bakit mahal pa rin kita?


[Chorus]

Kahit na ilang beses mo 'kong iniwanan

Paulit-ulit na akong inagawan

Ng mga sandaling ika'y kinailangan

Nanatili pa rin ako sa tahanan

Kahit na ilang beses mo nang tinakasan

Ang mga tanong na pilit mong iniiwasan

Bakit parang wala lang sa'yo ang mga luha?

Umiyak ka man lang ba nung ako'y nawala na?


[Instrumental Break]


[Bridge]

Gano'n ba 'ko kadaling kalimutan?

Punong-puno ako ng mga katanungan

Bakit 'di mo man lang ako pinaglaban?

Bakit? Bakit?


[Chorus]

Kahit unti-unti mo akong binitawan

Simula nung siya na ang laman ng isipan mo

Sinisi ko aking sarili

Araw-araw akong nagtatanong kung bakit