Released on December 17, 2025

166K Views

Thumbnail

[Verse 1: Yuridope]

D'yan ka lang, 'wag ka nang mawawala

Baka lang magkandaletse-letse mga plano

Pababa na ako sa eroplano

Pahinga lang ta's balik trabaho na ulit

'Di problema kung magkanda pagod

Basta nand'yan ka pa rin sa'kin pag-uwi

'Di patas 'yung mundo (Kaya minsan naiisip kung ano-ano)

Pero 'pag ikaw ay kasundo (Dito sa paligid may mga paruparo)

Kaya kahit na patong-patong, 'yung mga problema ay kayang-kaya

Ako't ika'y tamang-tama sa isa't isa (Ah-ah)

Lagi lang matibay at maangas, 'yokong malungkot, gusto ko payapa

Ang utak kahit 'di naman, pero 'di mo makikita 'yan

Kasi bakit pa kailangan, gusto ko 'pag kasama mo 'ko wala kang alinlangan

Dahil lumalayo 'pag 'di na kaya, sana mapatawad

Palabiro pero minsan sarili 'di mapatawa, do'n ako natatanga pero


[Chorus: Skusta Clee]

Kung sakali bang mawala

Pagbalik ay tatanggapin mo pa ba?

'Pag nakita mo akong mahina

Mamahalin mo pa ba?

Mamahalin mo pa ba?

Mamahalin mo pa ba?


[Verse 2: Yuridope]

'Yun lang ang tanong, pa'no kung maglayo?

O kaya magtampo panahon para sa isa't isa?

Magahol kung ako tutuban, walang imposible basta lagi kita katanaw

Pero ayaw ko 'pag grabe 'yung pagitan

Kung alam mo lang sa pakiramdam ko ay mahirap 'yon

Lalo na kapag tayo ay may alitan, kinakabahan kasi baka 'di na kita makita

Kung sakaling mapundi na sa'kin, papaano kita hahanapin?

Pa'no kung magsulubong 'yung galit? Tao lang din ako na merong damdamin

'Di tayo sigurado sa mangyayari, pero meron pwedeng matiyak

Sumuko sa bigat, tutulungan magbuhat

Hanggang saan natin kayang paninindigan 'yung salitang pagmamahal, at


[Chorus: Skusta Clee]

Kung sakali bang mawala

Pagbalik ay tatanggapin mo pa ba?

'Pag nakita mo akong mahina

Mamahalin mo pa ba?


[Bridge: Skusta Clee]

Kaya 'wag ka sanang magsinungaling

Kung ano mang pagsubok sa'tin ang dumating

'Di ka ba aalis? 'Di ka ba aalis? (Yeah)

'Di ka ba aalis 'pag kalaban ko na ang lahat?

[Chorus: Skusta Clee, Yuridope]

Kung sakali bang mawala

Pagbalik ay tatanggapin mo pa ba? (Ako pa rin ba'y tatanggapin mo?)

'Pag nakita mo akong mahina

Mamahalin mo pa ba? (Sana, sana, sana)

Mamahalin mo pa ba? (Hey)

Mamahalin mo pa ba? (Mamahalin mo pa ba?)