Released on January 9, 2022

Thumbnail

[Intro]

Panty Droppaz League

This is a Cursebox Production


[Verse 1]

Wala pang kain, tulad ng marami

Pero sumulat para may maibahagi sa iba

Baka sakali makapamulat, maparinig, mapawari

O makagulat, maka-atake ng ibang tengang kawali

Na walang buhat na mundo sa likuran

At hinaharap ay tiyak na walang hirap

Na lalakbayin habang humahanap ng dahilan

Para kapalaran nila ay pasamain

Samantalang alam nila ang nangyayari

Sa kabilang mundo kung saan maraming nakalibing

'Yung katawang kalahati, tulad ko dati


[Verse 2]

Isa din akong 'di pinalad na lumaki ng marangya

Kaya ako nandito ngayon nagtyaga

Inalam kung paano makisama, ano naman kung mapasama

Kung magutom ako at mahilo

Kinabukasan sa kalsada ako'y madapa

Tapos mag-isa, ayun ay nakakabuti pa ba? (Ha! Ha!)

Do'n ba ako masasalba? Ha?

Kung pakikinggan ko sila? Ha?

Wala silang alam sa gusto ko na gawin

Tingin lang sa'kin ay batang gala na pariwara

Na ba't 'di niyo pa ibalewala

(Ha!) Ang daming pakielamero

Ba't 'di pa kaya sila 'yung una na mawala


[Verse 3]

Sadyang mahiwaga 'yung 'di nakikita ng mga mata

Gutom na kakaibang 'di naririnig

Sa mga sikmurang nagwawala, lalo kung wala kang pandama

'Di sa'yo mahalaga kung wala agad mapapala

Madalian ang hangad na panandalian na saya

Agaran din nawawala, 'di na kailangan ingatan

Kasi 'di naman pinaghirapan, sulitin na lang habang nand'yan

'Pag wala na balik na sa libangan

Ganyan na pag-iisip 'yung aking iniiwasan

Ayaw kong makasanayan, dahil ginto sa'kin maliit

O malaking gantimpala na 'di ko pagpapalit

Pagpapalang nagbitbit sa'kin papanik sa hagdanan

Makahigit sa alam ko na tamang dapat tahakin nila na daanan

Lalo sa mga tulad ko na bata na hindi pa nalalaman

Tunay nilang layunin sa madayang

Mundo't nabiktima ng maaga dahil...


[Outro]

Talo tyak 'pag nagpaapekto ka

Kasi na sa'yo ang epekto niyan

Dire-diretso lang, dire-diretso lang

Diretso lang