Oops

By Yuridope

Released on November 9, 2020

12K Views

Thumbnail

[Chorus: Yuridope]

Oops, saglit, teka 'wag ka nang mangulit pa

'Kala ko ba ay galit ka? Nung lumayo ka

'Wag ka nang humalik at kahit 'wag nang bumalik pa, oh, oh

'Di mo na ako mapapaniwala

'Di na din ako makakapayag

Pwede ka na mawala, ah, ah, ah, ahh


[Verse 1: Yuridope]

'Di naman na kasi masakit kayang-kaya kang ipagpalit

Kung ano 'yung kaya mo sa'kin gawin noon

Ngayon gagawin ko din sa'yo

Na wala na pag-aalinlangan (Wala na)

'Di na ako mahihirapan ('Di na)

Tingnan ka, do'n sa may daanan

Kaya kung pwede 'wag mo akong yabangan

Hindi na kita kailangan

Sa totoo lang, pwede din 'wag na lang magpansinan

Parang 'di magkakilala nang hindi magka-ilangan

Mas mabuti pang gano'n, mas makakabuti 'yon

Kaysa nag-aangas sa'kin ngayon kaso lang ang totoo

'Pag katalikod naman niyang kasama mo ang tawag mo

Sa'kin ay asawa ko, kaya pwede ba?


[Chorus: Yuridope]

Oops, saglit, teka 'wag ka nang mangulit pa

'Kala ko ba ay galit ka? Nung lumayo ka

'Wag ka nang humalik at kahit 'wag nang bumalik pa, oh, oh

'Di mo na ako mapapaniwala

'Di na din ako makakapayag

Pwede ka na mawala, ah, ah, ah, ahh


[Verse 2: Flow G]

Oops, saglit, teka bingi na magkabila kong tenga

'Yung gan'tong eksena napanood ko na sa mga telenobela

'Di ba d'yan ka magaling mga sinasabi ng bibig mo

Ilang beses ko nang narinig

Kaya 'di na ako bilib, alam ko mangyayari lang ulit

Mang-iiwan 'pag galit ta's babalik

'Kala mo 'di kita matitiis

Malaya ka nang umalis numinipis na pake ko

Kasi imbis na suklian 'yung best ko parang tinitest mo 'ko

Kung hanggang saan ko kaya magtiis

Kaya mula ngayon atensyon ko walang-wala na

Bibig mo sa'kin ay 'di nagagana

Nakakawalang ganang maniwala sa bunganga

Walang para magpakara, lalo 'pag sira na 'yung tiwala


[Chorus: Yuridope]

Oops, saglit, teka 'wag ka nang mangulit pa

'Kala ko ba ay galit ka? Nung lumayo ka

'Wag ka nang humalik at kahit 'wag nang bumalik pa, oh, oh

'Di mo na ako mapapaniwala

'Di na din ako makakapayag

Pwede ka na mawala, ah, ah, ah, ahh


[Outro: Yuridope]

Oops, saglit, teka

Oops, oops, oops, saglit, teka

Oops, saglit, teka

Oops, oops, oops, saglit, teka