Blue 2

By Yuridope

On BLUE

Released on August 21, 2023

Thumbnail

[Verse:Yuridope]

Langit pakiramdam pag malapit ka

Bakit ay di na nabibigkas

Dati daming kulang pag nagiisa

Wagi na simula nung makatabi ka

Sinagot mo na lahat nung pagdating mo

'La nang kinukwestyon nung mahalin mo

Kaso lang nung pag alis mo

Napatanong kung bakit


[Chorus: Karl Guerrero]

Ginawa ba ang kamay para lang hawakan ka

Ginawa ba ang mata para lang titigan

Pero bumitaw hindi lumitaw

Isa lang ang ibig kong sabihin

Hindi ka ginawa para sa akin


[Verse:Yuridope]

Bakit di ba nya tinupad aking mga panalangin

Sayang daming nabago mula nung sya ay napasakin

La lang sino ba naman kasi ang di manghihinayang

Sakin kung meron man edi sana di nya ako iiwanan

Walang bumitaw nagmahalan ng mahabang panahon

Ahh baka naumay baka may nasabi akong

Hindi nya gusto o ayaw nya na marinig

Kung ano yung nagawang mali

Ahh di ko alam edi sana nagawan ng paraan

Edi sana, wala na ganon na kanta

Wala ring mugto na mata, walang malungkot na tanga

Kung magdesisyon lahat ay binuhos ko na

Wala na saking natira ayos lang sana kung di ka lang din Nawala

Edi sana di din ako Nawawala sa sarili

Wala na sa ayos di na makasunod dun sa beat

Kasi ako ay sawi, di na para gandahan pa tong awit

Di ka naman makikinig

Ano pa ang hihilingin kung makahiling man ay di naman tutuparin

Ganto pala ang mapaibig aabot sa puntong hindi ka paiimikin

Minsan ay napapapikit habang napapasabi

Bat natutunan pang gawin

Nananahimik lang dati ewan ko kung bakit pumayag pa na guluhin

Ayos ba na mawala ka sa buhay ko non kaya ngayon napapanong

Di sana ko nagkaganito kung di lang nagpantasyang ako ay ginawa lang para sayo

[Bridge: Karl] Yuridope

At ginawa ba ang kamay para lang hawakan ka (At ginawa ba ang kamay para lang hawakan ka)

Ginawa ba para mahalin o masaktan lang ohh

Tama bang habulin ka o tama bang wala kana

Tama bang umasa pa kahit na akam ko na

Hindi ka ginawa para sakin


[Chorus: Karl Guerrero]

Ginawa ba ang kamay para lang hawakan ka

Ginawa ba ang mata para lang titigan

Pero bumitaw hindi lumitaw

Isa lang ang ibig kong sabihin

Hindi ka ginawa para sa akin