Gumuguho na naman ang silid

Sumisikip, 'wag nang sumigaw

Patapos na rin ang araw


Hindi alam ang gagawin

Unti-unting gumigising

Tawad, limot, langit 'di na uulit


Humihinto ang mundo

Para lang sa iyo


Lilingon pa ba sa mga gusaling nasira na

'Wag nang gumalaw, pabayaan kung mawawala


'Di alam ang gagawin

Unti-unting gumigising

Tawad, limot, langit 'di na uulit


Humihinto ang mundo

Para lang sa iyo


Ngunit patay-sindi nanaman ang mga kandila mo

Patay-sindi na naman naman na-naman