Released on June 11, 2021

9K Views

Thumbnail

[Verse 1]

'Wag mangangamba

Ako’y 'di mag-iisa

Handa nang dalawin ng pangungulila

Ang nakaraan

Ay nasa harapan

Ang kasalukuyan, ilusyon lamang


[Chorus 1]

Ang sabi ng marurunong

Nag-iisang pangalan

Lamang ang pagitan sa'tin

Naniniwala ang puso ko

Na pansamantala lang

Ang 'yong pamamaalam


[Verse 2]

Minsan sa gabi

'Di mapakali

Tila ba ako’y may pagkakamali


[Chorus 2]

Sadyang nakakapanghina

Parang 'di ko kakayanin

Bigat ng mundo sa'kin

Ngunit ako’y magsisikap

Hindi ko sasayangin

Pamana mo sa akin


[Bridge]

Dahan-dahan

Sa pangako

May nakikinig

Sa bawat kanto

Paagi 'yang lihim


[Outro]

I fear no one

When I feel you next to me

I fear no one

When I feel you next to me