Released on 2006

633K Views

Thumbnail

[Verse 1]

'Di mo lang alam, naiisip kita

Baka sakali lang maisip mo ako

'Di mo lang alam hanggang sa gabi

Inaasam makita kang muli


[Pre-Chorus]

Nagtapos ang lahat sa 'di inaasahang

Panahon, at ngayon ako'y iyong iniwang

Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan

Sana nagtanong ka lang


[Chorus]

Kung 'di mo lang alam

Sana'y nagtanong ka lang

Kung 'di mo lang alam


[Verse 2]

Ako'y 'yong nasaktan

Baka sakali lang maisip mo naman

Hindi mo lang alam kay tagal na panahon

Ako'y nandirito pa rin

Hanggang ngayon para sa'yo


[Pre-Chorus]

Lumipas mga araw na ubod ng saya

'Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta

Kung ako'y nagkasala, patawad na sana

Ang puso kong pagal ngayon

Walang nagmahal


[Chorus]

'Di mo lang alam, ako'y 'yong nasaktan

Oh, baka sakali lang maisip mo naman, "Puro siya na lang"

Sana'y ako naman, 'di mo lang alam, ika'y minamasdan

Sana'y 'yong mamalayang hindi mo lang pala alam

'Di mo lang alam


[Verse 3]

Kahit tayo'y magkaibigan lang

Bumabalik ang lahat sa t'wing nagkukulitan

Baka sakali lang maisip mo naman

Ako'y nandito lang, hindi mo lang alam

Matalino ka naman


[Pre-Chorus]

Kung ikaw at ako ay tunay na bigo

Sa laro na ito ay dapat bang sumuko?

Sana hindi ka na lang pala aking nakilala

Kung alam ko lang ako'y masasaktan ng ganito

Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko


[Chorus]

'Di mo lang alam, ako'y 'yong nasaktan

Oh, baka sakali lang maisip mo naman, "Puro siya na lang"

Sana'y ako naman, 'di mo lang alam, ika'y minamasdan

Sana 'yong mamalayang hindi mo lang pala alam


[Outro]

Malas mo, ikaw ang natipuhan ko

'Di mo lang alam, ako 'yong nasaktan