Released on 2012

69K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Tatakbo at gagalaw

Mag-iisip kung dapat bang bumitaw

Kulang na lang, atakihin

Ang paghinga'y nabibitin

Ang dahilang alam mo na

Kahit ano pang sabihin nila

Tayong dal'wa lamang ang makakaalam

Ngunit ako ngayo'y naguguluhan


[Chorus 1]

Makikinig ba ako

Sa aking isip na dati pa namang magulo?

O iindak na lamang

Sa tibok ng puso mo

At aasahan ko na lamang na

Hindi mo aapakan ang aking mga paa

Pipikit na lamang at magsasayaw

Habang nanonood siya


[Verse 2]

Paalis at pabalik

May baong yakap at suklian ng halik

Magpapaalam at mag-sisisi

Habang papiglas ka ako sa'yo ay tatabi

Tayong dalawa lamang ang nakakaalam

Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pagbibigyan ko


[Chorus 2]

Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto

Ngunit pipigilan ang pag-ibig niya na totoo

Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo

At aasahan ko hindi niya lamang aapakan ang aking mga paa

Pipikit na lamang at magsasaya

Habang nalulungkot ka

Pipikit na lamang at magsasaya

Habang nalulungkot ka


[Bridge]

Ako'y litong-lito

Tulungan niyo ako

'Di ko na alam

Kung sino pa'ng aking pagbibigyan, o


[Outro]

Ayoko na ng ganito

Ako ay litong-lito ohwooh