Panaginip

By Tothapi

On Habilin

Released on February 9, 2021

Thumbnail

[Verse 1]

Yayakapin ka nang mahigpit

Sasabihin ang nararamdaman

Kahit saglit, saglit

Umupo ka muna sa'king tabi

Ating balikan ang mga alaalang nangyari, nangyari


[Pre-Chorus]

Ngunit parang ang mundo'y sati'y galit

Kahit na anong gawin, kahit na anong pilit

Hahayaan na lang bang ika'y palayain

At sasabihin sa'king sarili


[Chorus]

Kung sa panaginip na lamang

Do'n kita babalikan

Sa panaginip na lamang

Ayoko nang magising sa katotohanan


[Verse 2]

Pipilitin nang limutin

Ang ating kahapon

Ang luha'y pupunasan

At muling babangon, babangon


[Pre-Chorus]

Ngunit parang 'di pa yata kayang gawin

Ang aking nasa isip ay nandiyan ka pa rin

Matutulog na lang muna sa isang silid

At sasabihin sa'king sarili


[Chorus]

Kung sa panaginip na lamang

Do'n kita babalikan

Sa panaginip na lamang

Ayoko nang magising sa katotohanan


[Refrain]

Sa panaginip na lamang

Sa panaginip na lamang

Sa panaginip na lamang

Sa panaginip na lamang


[Bridge]

'Wag niyo muna akong gisingin

Matutulog lang ng mahimbing


[Refrain]

Panaginip na lamang

Sa panaginip na lamang

Sa panaginip na lamang


[Outro]

Sa huli ako'y nagising sa katotohanan