Kutsinta

By Tothapi

Released on March 27, 2024

Thumbnail

[Verse 1]

O, sinta

P'wede bang pag-uwi natin

Ang aking ulo at paa ay iyong hilutin?

O, sinta

'Di naman sa ako ay nagpapapansin at nagpapalambing

Pero parang gano'n na rin


[Pre-Chorus]

Ngayong araw ay nakakapagod sa'tin

P'wede na bang umuwi, may gusto akong sabihin


[Chorus]

Na hindi mo alam, ika'y laging iniisip

'Di mo alam, ika'y nasa panaginip

'Di mo alam, ako'y laging nasasabik

Sa yakap mong mahigpit

At sa iyong halik


[Verse 2]

O, sinta (O, sinta, ah-ah-ah)

Alam kong pagod ka rin sa'yong trabaho

Kaya ako munang bahala sa'yo

Sinta (O, sinta, ah-ah-ah)

Ako muna ang maglalaba

Pati ang pagkain ihahain ko na rin


[Pre-Chorus]

'Di mo naman kailangang gawin ang lahat para sa'tin

P'wede namang ikaw naman ang hihilutin


[Chorus]

Dahil 'di mo alam, ika'y laging iniisip

'Di mo alam, ika'y nasa panaginip

'Di mo alam, ako'y laging nasasabik

Sa yakap mong mahigpit

At sa iyong halik


[Instrumental Break]


[Bridge]

Alam kong tayo ay tatanda rin

'Wag kang mag-alala, ika'y mahal pa rin


[Chorus]

Dahil 'di mo alam, ika'y laging iniisip

'Di mo alam, ika'y nasa panaginip

'Di mo alam, ako'y laging nasasabik

Sa yakap mong mahigpit

At sa iyong halik

Sa iyong halik

Sa iyong hilot at halik


[Coda]

Halika na, halika na, umuwi na tayo

Halika na, halika na, umuwi na tayo

Halika na, halika na, umuwi na tayo

Halika na, halika na, umuwi na tayo