Released on February 9, 2021

Thumbnail

[Verse 1]

Tayo'y muling nagkita ng 'di inaasahan

'Di natin alam kung pano magpapansinan

Ilang taon din ang lumipas nang huli kang mahagkan

Kaya ika'y nginitian at kinamayaan

Aayain kang muli

Sa paborito nating kainan

'Wag mahiyang ngumiti

'Di ko rin naman mapigilan

May gusto ako sa 'yong sabihin

Pwede pa kaya kitang dalhin


[Chorus]

Dalhin doon sa ating pinagmulan

Limutin muna ang mapait na nakaraan

Gusto ko muling marinig ang agos ng karagatan

Tayo'y magtatampisaw at ibabalik ang dati


[Verse 2]

Ako'y yong tinanong kung ako ay ayos lang

Pwede bang sabihin ang katotohanan?

Ika'y nami-miss ng labis, ika'y nami-miss ng labis

Pwede pa bang ibalik ang dating tamis

Magpapaalam nang muli

Dahil nandyan na ang bago mong taga-sundo at hatid

Bigla mo 'kong tinawag at pinalapit

Para ipakilala bilang kaibigan mong matalik

Kaibigan nga lang ba? Kaibigan nga lang ba?

Kaibigan, kaibigan, kaibigan na lang ba?


[Chorus]

Dalhin doon sa ating pinagmulan

Limutin muna ang mapait na nakaraan

Gusto ko muling marinig ang agos ng karagatan

Tayo'y magtatampisaw at ibabalik ang dati


[Bridge]

Ibubulong na lang sa hangin

Ibubulong na lang sa buhangin

Ibubulong na lang sa dagat na nag-aantay sa 'tin

Hihingi ng paumanhin


[Chorus]

Dahil hindi na kita madadala sa pinagmulan

Hindi ko na maituturo ang ating daan

Hindi na natin maririnig ang agos ng karagatan

'Di na magtatampisaw at maibabalik ang dati


[Outro]

Oh-woah, oh-woah

Oh-woah, oh-woah

Oh-woah, oh-woah

Oh-woah, oh-woah