Pramis

By TONEEJAY

On Aurora

Released on May 3, 2024

Thumbnail

[Verse 1]

Kung isilang ka man

Ngayon pa lang, dapat mong malaman

Na ako'y nandito lang

At susundan kita hangga't kaya ko


[Pre-Chorus]

At sana alam mo

Na ako'y kakampi sa mundo kailanman


[Chorus]

At kahit ano pa'ng piliin

Kahit ano pa ang kulay

Kahit ano pa'ng pangarap mo

Ang pag-ibig ko'y iyo, oh, oh

Pag-ibig ko'y iyo


[Verse 2]

May gusto ka bang

Ikwento tungkol sa iyong nadarama

Ako'y makikinig lang

Sa iyong saya at sa iyong lungkot


[Pre-Chorus]

At sana alam mo

Na ako'y kakampi sa mundo kailanman


[Chorus]

At kahit ano pa'ng piliin

Kahit ano pa ang kulay

Kahit ano pa'ng pangarap mo

Ang pag-ibig ko'y iyo, oh, oh

Pag-ibig ko'y iyo


[Bridge]

At 'di na ipapasa

Ang dilim na aking dala-dala

At kung ako'y magkamali

Pramis, magso-sorry


[Outro]

Ako ang iyong kakampi sa mundo kailanman

Ako ang iyong kakampi sa mundo kailanman