Released on April 25, 2024

6K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Diretsuhin na nga lang natin 'to

Gusto mo pa ba talaga ako?

Puso't isip ko'y nalilito

Paulit-ulit na lang ba tayo?


[Chorus]

Kung 'di na masaya

'Wag naman nating pilitin

At 'wag magkamaling tiisin

Para lang 'di masayang

Lalo lamang lumalalim

Sugat nating nililihim


[Verse 2]

Magkahawak nga'ng ating kamay

Ngunit isa na lang ang mahigpit

Parang ang litratong iyong binigay

Unti-unti na tayong napupunit


[Chorus]

Kung 'di na masaya

'Wag naman nating pilitin

At 'wag magkamaling tiisin

Para lang 'di masayang

Lalo lamang lumalalim

Sugat nating nililihim


[Bridge]

Tanggapin na lang natin

Na 'di ka para sa'kin

Ang dating iniibig

Iniibig na lang


[Outro]

Bibitawan na kita

'To na ang huling luha

Tama na

Bibitawan na