Toxic

By Systmtc

Released on April 15, 2020

Thumbnail

Intro:

(Toxic motherfuckers, you know who it is, Sub A)

Systmtc:

Idinaan sa ganitong paraan para mas lalo pa nilang maramdaman

Ang kawatan na may hawak ng kaban kanila daw pinatatamaan

Ang larawan pinalitan at pangalan para walang pagkakakilanlan

Ang tatapang sa internet lang naman kunwaring may pinaglalaban

Kahit ano pa ang usapan lagi silang may nalalaman

Mga analyst kapag may palapit na laban na 'tong si Pacman

Mga magaling pa sa magaling lalo na kapag halalan

Mga hype na hype sa pagtatype keyboard warrior ang galawan (Burn!)

For sure sapul ang mga pacool lang ang matatamaan

Mga mangaasar kapag natalo na sa matalino na usapan (Bobo)

Mga mandedegrade, e copy paste lang ang gamit nilang panlaban

Magdedemanda naman kapag inabangan at nauwi na sa sapakan

Andami daming sinasabi buo pa'ng mga detalye kapag iyo pang iniscroll

Sa personal walang sinabi walang pilantik ang labi sadyang nakakainis tol

Mahilig daw siya sa debate sawsaw suka na ugale ngayo'y gagawin ng fishball kasi

The bergens are coming naging kong hangarin ay ang ifeed ang mga troll

Chrous:

Tabi! toxic ka na pre

Tabi! toxic ka na pre

Tabi! toxic ka na pre

Toto-toxic ka na pre, toxic ka na pwe!

Systmtc:

Mga lumang paniniwala na inyo pang dinadala (Old school)

Na kesyo di na nag graduate wala na daw mapapala (Ano daw?)

Butas sa tenga at tato lang pala ang tanging batayan niyo ha?

Kaya pala bukas na isip at pakisama nawawala (Ekis na)

Porke ba di na tunog humble ay mayabang na?

Wala sila nung nagsumikap, andyan na nung angat na (Peke, peke)

Di kasi kayang tapatan dedikasyon ko langhiya

Kung sa'yo tunog mayabang, inspirasyon to sa iba

Nakiking ka ba o magbabounce lang sa iyong eardrum?

Mga feeling matalino kase binoto daw si Miriam

Minsan manahimik na lang daw kase yun daw ang mas mainam

Pero magnanakaw din ng quote kunwari magsheshare ng wisdom

Makakuha lang ng likes sa madalas na pagtatype ay feeling na ay sobrang sikat

Kunwari lang nakikinig pero handa na ang bibig kasi may naisip na siyang rebutt

Susubukan pang mag rap makasabay lang sa bagsak ay feeling na ay sobrang bigat

At sasabay lang uso hindi sinapuso 'pag di na trending ay sisibat

Chrous:

Tabi! toxic ka na pre

Tabi! toxic ka na pre

Tabi! toxic ka na pre

Toto-toxic ka na pre, toxic ka na pwe!

Tobi:

Ba't sa pinas andaming ungas marami din nais mag feeling batas

Pag antas nila ay mas mataas hindi ka pwede na magmatigas

Ikaw ay ligtas basta merong cash pumatay ka man o mang-harrass

May tinatawag ding taong labas kahit may krisis ay nag-aaklas

Mga iskwating nagtatago sa mask, sa internet ay mahilig mang-bash

Puro palabas mga walang class mga linyahan ay puro gasgas

Reklamador, nakakabanas, mali lang ang napupuna sa Pinas

Mahal daw ang gas, mahal daw bigas, e di naman nagbabayad ng tax

Ang hirap sa Pilipino may basehan ang respeto

Dependedo sa estado, sa yaman mo o trabaho

Gumawa ng delikado kung gusto mo umasenso

Dito di kwalipikado ang hindi edukado

Pero di niyo alam 'to, sampal sa mga bobong tao

Kung sino pa yung burdado sila pa yung marespeto

At yung malakas manggago ay 'yong merong libu-libo

Gugulangan mahihirap 'lang patawad kahit piso pwe!

Chrous:

Tabi! toxic ka na pre

Tabi! toxic ka na pre

Tabi! toxic ka na pre

Toto-toxic ka na pre, toxic ka na pwe!