Berberoka

By Systmtc

Released on May 8, 2020

Thumbnail

Intro:

(Isang uri ng lamang lupa na nakatira malapit sa mga ilog, batis o lawa

Hihigupin lahat ng tubig sa ilog hanggang sa lumitaw ang mga isda doon

At kapag nilapitan ang mga ito ay saka ibabalik ang tubig

Ang tawag sa lamang lupa na ito ay, Berberoka)

JT/Hook:

Sige subukang manalangin baka sakaling palarin

Ang sumabay sa agos ay may sumpang mamalasin

Halimaw sa pangitain nag-aantay sa ilalim

Ang kumagat sa pain ang siyang unang makakain

JT:

Malaking pasasalamat at ginising niyo ang natutulog kong galit

Para bang ako'y inyong ginutom pero kayo ang aking palalamunin

Mga salitang inyong sinambit ngayon ko lang sa inyo ibabalik

Para bang ako'y halimaw na nagliliwaliw bumubuga ng mga barang nakakabaliw

Teka ano bang sinasabi mo? Sigurado bang lahat yan ay may punto?

'Di ko naman sinabi na pakinggan mo ako, ito'y ambag ko sa kultura yan ay panigurado

At aking sisisirin ang malalim na dagat lulunurin kita don habang ika'y kinakagat

Nang mawalan ka nang pwersa, wala ka nang tyan-sa industriyang ito bawal ang echapwera!

Subukan mo mang sumabay sa agos

Para kang lumangoy sa disyerto at ako naman nakasakay sa kamelyo

Bihira akong mawalan ng bala para bang bida sa pelikula

Tawagin mo na ang iyong mga kampon dahil katapusan niyo na

Nananatiling maka-Diyos at mapag kumbaba sa lahat ng tao

Pero kailangan ko ng putilin ang mga sungay ng mga demonyo

Mapagpanggap na pag-uugali kunwari sila'y mababait

Isang sitsit ng nasabing kaibigan pag-aasal nila'y biglang pumapangit

Oh mahabaging langit kapangyarihan niyo saki'y sumanib

Aking kalasag inyo pagpatibayin upang puksain ang maitim na hangarin

Gamit ko ang apoy ni Recca at bitbit ko ang walong dragon

Sabay-sabay kayong susunugin at itatapon sa ibang dimensyon

Ngayo'y tapos na akong maghain pasensya na nasunog ang kanin

Inyo na 'tong pagdamutan para pareparehong pagpalain

Ibigay ang puso sa itaas at sabay-sabay kayong manalangin

At kapag ikaw ay napikon sa mga letrang matibong pinatunayan mo lang na kumagat ka sa aming pain

Systmtc/Hook:

Sige subukang manalangin baka sakaling palarin

Ang sumabay sa agos ay may sumpang mamalasin

Halimaw sa pangitain nag-aantay sa ilalim

Ang kumagat sa pain ang siyang unang makakain

Systmtc:

Nagising sa pagkahimbing, sumilong sa malilim

Dahan dahan at palihim antay sa susunod na victim

Itsura na mala Man-Thing na ibang klase kung humanting

Higop tubig bago kumain ng mga kumagat sa pain

At kahit 'di ka pa umamin alam kong ika'y nakikinig din

Toxic na nagkunwaring hayop sa galing pero 'di ka pipilitin

Na aminin at sabihing bumilib din, tumingin-tingin kung may nakatingin

Sabay iling-iling na parang praning pero tuloy pa rin sa kanyang pagiging

Keyboard warrior lang sa net at pekeng tropa ganun din

Kinalaban gumamit sa web, tawagin mo akong Kingpin

Akong Asiong, ika'y Erning, gano'n lang ang paghahambing

Isang guhit sa mga tuso gano'n ang pagmamatsing

O baka tinulugan, 'di magising, tinuloy ang 'di matinding bitawan na di maintindihan

Mumble rap na wala na ngang meaning at yun ang iyong pinakikinggan

Ito bago mong matitikman 'di pwede sa makitid ang utak na *???* lang

'di ako sabay sa uso kaya gumawa ng agos pansarili lang

Sige mamili ka, anong pang-iinda, sa berso ko na naging mitsa

Utang na loob ha? paki lista, gamit ang aking panulat na may tinta

Kumpleto na ba o baka kulang pa? mga kunwaring mapagbigay ay ekis na

Lahat ng tinulong ay may checklist pa, sampal ko pa sayo 'tong papel de liha

Delikado ka na, kapag sinubukan na lumapit at sa akin tumapat

Ito'y Belgica at Montana, kasi kami ang nag FIRE ng unang mga SHOTS

Sa underground ay lowkey lang, middle child sa mga bago at sa luma at

Tamang tambay sa ilalim kapag ikaw ay lumapit tsaka lamang aangat para lang sumagpang at kumagat