Pektus

By System 33

Thumbnail

Pinepektusan ko lang ang aking bitaw

Iniiwasan ang mga tangang galaw

Bumabanda na para bang alahoy

'Di mo lang alam, planado, 'di 'to chamba, oy

Serena_D.C. at System Dobol Tres

'Di mo na-predict, bigla na lang nagpares

Parang layup na akala mo sablay

Pumektus, pasok, tatlo pa ang sumabay

Naka-Vios na '04, walang suot na gold

Wala akong effort para sa fashion

Magpapogi, pumorma, 'di ko yan thang

Sayo na champorado, pati na rin fame

Akala mo tamad kasi masyadong kalmado

Laging sagad, pero 'di nadedehado

Mabagal kumilos, laging sure ball

Cuddle sa gabi, hustle maghapon

Trabaho 9 to 5, tapos bounce, babay

'Di ka pa nakakaway, wala na sa'yong sight

Tahimik gumalaw, dito lang ako sa side

Habang ikaw nababaliw sa paghabol ng spotlight

Pinepektusan ko lang ang aking bitaw

Iniiwasan ang mga tangang galaw

Bumabanda na para bang alahoy

'Di mo lang alam, planado, 'di 'to chamba, oy

Tropang NOFACE, galit sa mga ulul

'Yung iba asshurt kasi lagi silang kapul

System Dobol Tres, madalas nakangiti

Sad face at luha, 'di ko sila bati

I'm mad, syempre, pero 'di ako stressed

Kahit i-double team niyo, pasok ang mga tres

Pagkatapos mag-release, 'di ko na tinitingnan

Gusto mo kong magmintis, good luck sa pag-abang

Pinepektusan ko lang ang aking bitaw

Iniiwasan ang mga tangang galaw

Bumabanda na para bang alahoy

'Di mo lang alam, planado, 'di 'to chamba, oy