Released on March 29, 2021

Thumbnail

[Verse 1]

Tatakbo-takbo, wag kang lilingon

Anino nino ang sumusunod sa bawat yapak mo?

Bawat kayod: nakalulunod

Wag kang matisod baka maya maya't ika'y magkasariling puntod

Pilit na tinututok ang titig sa nais lang makita

Wag umastang naaabala sa kababalaghang

Nagaganap

Wag kang sisilip baka di kayanin ng sikmura

Ang sinasabuhay na katotohanan

Wag kang kukurap

Mga bangkay, patay buhay, gumagala

Di matukoy ang pinagkaiba, kaya isanay

Ang sarili na wag magambala

Tuloy lang sa pagbabalat-kayong ayos lang ang lahat

Pero kahit anong pagtatangkang iwas at pagtakas

Maaabot, mahahabol

Kahit pa ika'y kumaripas

Ng takbo papalayo — tila papalayo

Gagapangin ka ng kilabot ng nakahabol na mga anino

Tila wala kang takas sa mga rehas

Kahit ano pang pilit na pagpiglas

Wala kang takas

Wala kang takas


[Verse 2]

Sige boy, idilat mo ang iyong mga mata

Wag kang magpahinga kung ayaw mo tuloy mamahinga

Bilanggo ng lipunan, bilang ang araw gang kamatayan

Kung 'di sa gutom, sakit, sa bala matutuluyan

Binabangungot ng gising mga demonyong halang

Di takot sa sakit kundi korona ng Amang

Sinasamba ng mga buwayang lang kaluluwa

Kataway itatangay sa impyerno iluluwa

Kakasa itututok kakalabitin

Baril sa batok habang tulog nang mahimbing

Poong Ama sinasamba din lang naman ang naguutos sa

Putangamang halang na baboy ang uumuubos

Mga bangkay, patay buhay, bumabangon

Sikmura'y umiikot, nasusuka, nandidilim

Paano mananaginip ng bukas kung mata'y piring

Sa dilat na bangungot, paano tayo magigising


[Outro]

Pinapatay lang din naman

Ba't di na manlaban?