Fax Machine

By Switchbitch

On Lalamunan

Released on March 29, 2021

Thumbnail

[Verse 1]

Isang taong lumipas lampas

Sampung libong yumao tapos

Sangkaterbang pasismo parin ang

Sasagot nila satin

Isa isang inuubos ang

Masang nagugutom

Isa isa 'gang tuluyan

Sasangla sa mga dayuhan

Dalawang bilyong dolyar binili ng armas sa US katumbas sana

Dalawang buwan na sahod pang ahon para sa lampas na

Apat na milyong Pilipinong natanggalan ng trabaho sa pandemya

Bigas hindi bala sa sino mang aalma

Lampas tatlumpong libong bangkay ng tokhang

Lakas niyong magsabing terorista sino ba ang

Pumapatay ng di armadong pilipino dun tayo sa bundok

Tatlong pasista patay sa iisang hukbo


[Chorus]

Bawat taong inuuwi sa numero at datos

Lumalaking hukbo; dugong utang aagos

Bawat taong inuuwi sa numero at datos

Lumalawak hukbo, sagot sa pagkagapos


[Verse 2]

Takataktak bala ba o mga katawan

Di na matiyak, mas malakas ang mga iyak

Tagataktak, pawis ng mga manggagawa

O pera bang binubulsa ng mga langyang kawatan

Aabot nang limang pursyento ang inflation pero

Di pa rin mabigay kahit kaunting taas ng sahod

Na katiting lang sa lahat ng ninakaw

Nananabik mga sakim

Di na makapagtiis kaya

Limang daang libong tsuper tinanggalan trabaho

Inuna pang buksan kapitalistang ariarian mga mall

Halos apat na pursyento lamang nilaan kala mo'y COVID naglaho

Mas mataas pa pera "pangdepensa"

Kalaban nila kapwa Pilipino

Dumating sa puntong labing dal'wang piso lang

Namumuhay kada araw bawat tao

Sa panahon na 'di ka sigurado

Nananatiling tiyak: ang trilyong

Inutang ng inutil na gobyerno

Na babayaran ng masang Pilipino

Kaakibat ng atake sa buhay

Ang atake sa pamumuhay

Lahat tayo pinapatay!


[Chorus]

Bawat taong inuuwi sa numero at datos

Lumalaking hukbo; dugong utang aagos

Bawat taong inuuwi sa numero at datos

Lumalawak hukbo, sagot sa pagkagapos

Bawat taong inuuwi sa numero at datos

Lumalaking hukbo; dugong utang aagos

Bawat taong inuuwi sa numero at datos

Sumapi sa hukbo, sagot sa pagkagapos