Released on September 21, 2024

Thumbnail

Tuloy ang ugong ng makinang di natigil

Dugot butot laman na lamang pero siya marahil ay bakal

Bakal, sa pangingikil ng makinang hangal

Sa kanlang kalawang gintong kalakal iniluwal

Di minsan naaninag ang ambag niyang kinang

Tila ba walang pulso’t di kumakalam

Isang hamak na bakal, natulak umangal, humawak ng bakal

Tinutok, natigil ang ugong ng makinang hangal

Di nagkulang sa pagsusunog ng kilay

Uliran, uliran, hiwalay sa katotohanan

Ani nila’y pag-asa at kinabukasan

Di man lang maipinta, mailarawan

Sindihan, sindihan, baguhin ang nakasanayan

Ilubog ang kamay sa lupa

Doon lang maaaninag ang

Alab ng kinabukasan

Nililikha kasama masa

Maglilingkod, makikiisa

Umaaklas, sisilaban mga pasista

Nakabakaod na raw mula rito gang abot tanaw

Labag man sa katangian ng karagatang sinaklaw

Para bang di gumagalaw, para bang di buhay ang tubig

Pilit na sinisilid, sinariling panakaw, ang lawak at lawig

Kung sa huling unos, ang mga alon ay humampas

At nadurog nito ang mga bakod at sa wakas

Kung muling aagos ito para sa lahat

Masisisi mo ba ang tubig

Kung hinding hindi na muli palulupig

Kabisado patag, kabisado kabundukan

Beterano sa lupang dedikadong nililinang

Ito ang bumubuhay; tila walang malay na hinga

Banta gamit bala, delikado kung di lumisan

Ano pang natitira? ha? ano pang natitira? ha

Di naman makasalanan, pinagnanakawan

Bakit ganito tila buong buhay nagdurusa

Kabisado bawat daan, lahat ng taguan

Di mo ba alam

Beterano sa lupang, dating sakahan ginawa niyong pangdigmaan

Ayan na, ayan na, ayan na

Ubos na ubos na

Magugulat bang tumangan

Ang tinulak niyong lumabang

‘Lang natitira

Ayan na ayan na ayan na ayan na ayan na shhh

Magdahandahan sa bawat yapak

Pangibabawan ang alinlangan

Humalaw ng lakas, higpitan kapit sa talas

Kasama, antayin mo ang senyas

Kakasa na at bibigwas

Hingang malalim, wag mo sayangin

Bala satin binilin ng masang anakpawis

Panatag loob, tiyak ang pagkubkob

Ayan na ayan na

Pinanday ng alab ng taumbayan

Tatambang sa mga parang

Rumaragasang unos sa kanayunan

Ayan na ayan na