Released on March 31, 2023

27K Views

Thumbnail

[Verse 1]

'Tong alay kong harana para sa dalagang

Walang kasing ganda, amoy rosas ang halimuyak

Kung nanaisin ng tadhanang mapanlinlang

'Di hahayaang, mawala pa

'Tong liham na umaasang mata mo'ng makabasa

Handang gawin lahat maging pamilya'y liligawan

Ngayon lang nakadama ng wagas na pagkamangha

Hiling ko lang naman na


[Chorus]

Tayo na sanang dalawa

Ang siyang huli at ang umpisa

Papatunayang ang unang

Pag-ibig ay 'di mawawala


[Verse 2]

Nakailang tula na, ba't tila 'di napupuna?

Ang tangi kong hiling

Hanggang dulo, ikaw ang kapiling

Kung puwede lang hanggang pangmagpakailanman

Hinding-hindi na papakawalan kailanman


[Chorus]

Ang dating tamis ng pagsasama

Nasa'n na? (Hinahanap-hanap ka)

Ba't sa'ting dal'wa, ako na lang ang natira? (Sana'y magkita pa)

Tinig mong kay ganda, maririnig pa ba?

Handang tahaking mag-isa, kahit wala ka na


[Instrumental Break]


[Outro]

Kung nasa'n ka man, nawa ay masaya ka na (Palalayain ka, ooh-woah)

Kahit na 'di na tayo magsasama pa (Mahal pa rin kita)

Dinggin mo lang ang hiling na mag-iingat ka

Oh, Leonora kong sinta, ahh