Released on September 19, 2008

6K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Hinihingal ka lang

May oras pang natitira

Kahit parang ang layo pa, habol

Kung harangan ka man

Sumalakay man mga bantay

Lahat kami maghihintay

Habol, habol


[Refrain]

Dehado kung dehado

Para sa'n pa'ng mga galos mo

Kung titiklop ka lang, titiklop ka lang

Matalo kung matalo

'Wag ka sanang magkakamaling

Sumuko na lang, woah


[Verse 2]

Maagawan ka man

Lalong huwag kang papipiga

Kumpiyansa lang bawat bangga, woah-oh

Kumaripas ka na

Humanda ka na sa paglipad

Pakpak nati'y ilalantad, woah-oh


[Refrain]

Dehado kung dehado

Para sa'n pa'ng mga galos mo

Kung titiklop ka lang, titiklop ka lang

Matalo kung matalo

Huwag ka sanang magkakamaling

Sumuko na lang, woah


[Chorus]

Ang puso ialay

Sa laban kapalit ay tagumpay

Ang puso ialay

Sa laban kapalit ay tagumpay


[Refrain]

Dehado kung dehado

Para sa'n pa'ng mga galos mo

Kung titiklop ka lang, titiklop ka lang

Matalo kung matalo

Huwag ka sanang magkakamaling

Sumuko na lang, woah


[Interlude]

Ang puso ialay

Sa laban kapalit ay tagumpay

Ang puso ialay

Sa laban, sa laban, sa laban, sa laban mo


[Instrumental Break]


[Chorus]

Ang puso ialay

Sa laban kapalit ay tagumpay

Ang puso ialay

Sa laban kapalit ay tagumpay

Ang puso ialay

Sa laban kapalit ay tagumpay