Released on 2006

7K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Kung pwede lang, 'wag mo na 'tong iwasan

At 'wag mo ring ituring na biro

Marahil 'to'y 'di mo inaasahan

Pero sana'y 'wag ipinid ang pinto


[Pre-Chorus]

Itikom ang bibig, mata'y ibaling sa'kin

Pakinggan mo ang sasabihin ko


[Chorus]

Kailan mo ba matututunan?

Kailan mo ba pagsisigawan?

Na 'di mo na pagkakailang tayo

Kay rami nang pinagdaanan

Ano pa ba ang iyong kailangan?

Nagsusumamo na, sabihin mo


[Verse 2]

Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip

Sa sarili laging may kinikimkim

Patuloy lamang bang mananaginip?

At mananatili lang na nakapikit


[Pre-Chorus]

Ako'y mayro'ng batid

Ito'y iyong pag-amin

Hindi na natin maiiwasan 'to


[Chorus]

Kailan mo ba matututunan?

Kailan mo ba pagsisigawan?

'Di mo na pagkakailang tayo

Kay rami nang pinagdaanan

Ano pa ba ang iyong kailangan?

Nagsusumamo na, sabihin mo


[Pre-Chorus]

Itikom ang bibig, mata'y ibaling sa'kin

Pakinggan mo ang sasabihin ko


[Instrumental Break]


[Chorus]

Kailan mo ba matututunan?

Kailan mo ba pagsisigawan?

Na 'di mo na pagkakailang tayo

Kay rami nang pinagdaanan

Ano pa ba ang iyong kailangan?

Nagsusumamo na, sabihin mo


[Outro]

Nagsusumamo na, sabihin mo (Oh-ohh)