Walking Distance

By Smugglaz

Released on May 23, 2015

Thumbnail

[Verse 1]

Pangarap ko na nung maliit pa kung sino ako

Pag laki

Kaya nag bilang pako ng ilang umaga at

Gabi

Bago ako umabot saking tinatapakan aking pinagdaanan

Ay hindi naging madali kasi tila simputik ng divisoria

Ang guhit ng aking istorya

Sa ginampanan kong papel na bumago saking

Pagka-tao bawat hakbang sa daan

Parang hagdan hagdang palayang kung tinaniman

Ko ng sanhing nagbunga ng maraming pagbabago

Nangapa ko sa dilim kung saan halos pikit mata

Ako na namulat sa makabulag na mundong dikit na sa

Pangalan ko ang lugar kung saan ko sinimulan ang mga

Ipinagpatuloy na hindi ko hinintuan

Mula sa kanto ng delpan hanggang sa buong mundo

Sa bawat kurdon ng mic mapadaloy ang pagka-dugong tondo

Saking ugat ay isa lang naman saking mga hangad na ang katuparang sanay

Maka salubong sa pag-lalakad naglakbay taglay ang talento nyang bigay

Nagpaka-pasaway kung saan tahimik nag ingay ako

Hanggang makilalang taga samin na dating pambato

Na umalis nawala nag-layas nag-gala

Hanggang sa maging pandayo blada


[Hook: Ashley Gosiengfiao]

Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad lang ng lakad

Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad lang ng lakad

Sige lakad lang kahit ikaw nalang mag-isa

Wag mo sabayan ang alon ikaw ang mag dikta

Salungatin anumang dumating basta wag hihinto sa lakad

Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad sige lakad lang


[Verse 2]

Makulay man ang mundo'y ginawa ko lang puti't itim

Ang pagtingin ko na mapansin ko ang liwanag

At dilim sa bawat anggulo ng buhay di man maexplica

Ang larawan ng kinabukasan

Mas lalong nainspira na ibalanse ang mga aral at leksyon

Na nakatago sa mga naranasan kong masamat mabuting mag-kahalo

Na ko't nawala hanggang natutong lumugar

Pati patong tumaya di man marunong sumugal mas lalong nilakihan

Pa ang mga paghakbang tungo sa katuparan sa daan

Kahit pa na maraming hadlang saking kinamulatang lakaran

Ay hindi padin nawalan ng gana o nawalan

Ng pag-asa na sana madala ng chamba

Ang chansa na magising sa pana-ginip na aking dala-ba dala-ba

Dun ako natutong lumakad tumayo sa aking sariling paa ka-hit na natapilok

Natisod nadapa ay pinang hawakan ang makatungtong

Ng tugatog ng walang tinatapakan na iba


[Hook:Ashley Gosiengfiao,Smugglaz]

Akad, lakad, lakad, lakad, lakad lang ng lakad

Lakad, lakad, lakad, lakad, lakad lang ng lakad

Sige lakad lang kahit ikaw nalang mag-isa

Wag mo sabayan ang alon ikaw ang mag dikta

Salungatin anumang dumating basta wag hihinto sa lakad

Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad sige lakad lang

Sige lakad lang

Sige lakad lang

Pa papa papap papapa papapa

Sige lang lakad wag kang papara sige lang lakad ano man ang humadlang


[Verse 3]

Anggang sa mapanood nako sa mga naging tugon

Ng mga dalangin noon na tinupad ng panginoon

Nakuha na makuntento ngunit hindi na kampante

Kaya bilang pakunswelopatuloy akong umabante

Pagkat

Simula palang ng tunay na laro nakabwelo

Nako kung kailangan mang mamuhay palayo

Titiyaking may puntahan ang mga iiwan kong yapak

Na susundan balang araw sakin ng aking anak

Mga pintuang pinasukan bubong na sinilungan

Mga taong tinulungan ako sa gitna ng ulan

Ang pasasalamat koy ituring nyong bahag hari na mag dudugtong

Sa patutunguhan ko saking pinagmulan

At sa mga duda sakin na pinatunaya na walang bida

Sa pelikulang di hinamak sa umpisa anumang

Layo ng mga pangarap ko sa buhay ang daan papunta doon

Ay para sakin walking distance lang