P.I.

By Siakol

On Tropa

Released on June 1, 2010

18K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Narito ako sa isang lugar

Na hindi 'ko maintindihan

Nakikipagsapalaran sa buhay

Na ang hantungan ay kawalan


[Refrain 1]

De-numero ang galaw ng tao

Bawat gawin ay may presyo

Oh, narito ako sa isang lugar

Na hindi ko maintindihan


[Verse 2]

Daing ng tao'y 'di pinapansin

Nililipad ng hangin

Pagkain sa araw-araw hindi malaman

Pa'no pagkakasyahin


[Refrain 2]

Lalong yumayaman kapag mayaman

Lalong naghihirap kapag mahirap

Oh, narito ako sa isang lugar

Na hindi ko maintindihan


[Chorus]

Walang ginagawa

Ang mga walang awa

Walang nagagawa

Kahit pa ngumawa, magmakaawa

Bumaha ng mga luha (Luha, luha) Ha

Bumaha ng mga luha (Luha) Ha!


[Verse 3]

Narito ako sa isang lugar

Ng mga taong tumatakas

Naghahanap ng swerte sa iba

Dahil dito'y wala nang bukas


[Refrain 3]

Kakarampot na sasahurin

Sa sobrang mahal ng mga bilihin

Oh, narito ako sa isang lugar

Na hindi ko maintindihan


[Guitar Solo]


[Chorus]

Walang ginagawa

Ang mga walang awa

Walang nagagawa

Kahit pa ngumawa, magmakaawa

Bumaha ng mga luha (Luha, luha) Ha

Bumaha ng mga luha (Luha) Ha!


[Verse 4]

Narito ako sa isang lugar

Na hindi 'ko maintindihan

Nakikipagsapalaran sa buhay

Na ang hantungan ay kawalan


[Refrain 4]

De-numero ang galaw ng tao

Bawat gawin ay may presyo


[Coda]

Oh narito ako, oh narito

Oh narito ako, bakit ganito?!

Oh narito ako sa isang lugar

Na hindi ko maintindihan