Released on March 18, 1998

Thumbnail

[Verse 1]

Isang gabi nanaginip ako

Lumubog ang sinasakyan kong barko

Inanod ako sa lakas ng hangin

Hanggang sa napadpad ako sa buhangin

Ako'y natuwa dahil ako'y buhay

Nang may nakita akong babaeng walang malay

Siya'y nilapitan upang aking tulungan

Nang siya'y natauhan aking namasdan


[Pre-Chorus]

O kay amo ng kanyang mukha

Sa ganda para siyang diwata

Kahit gan'to ang aking sinapit

Ngunit sya naman ay hulog ng langit


[Chorus]

Sa isla puting bato

Naging sarili namin ang mundo

Walang naging hadlang doon

Kahit kami ay magpagulong-gulong


[Guitar Solo]


[Verse 2]

Lugar na tahimik ngayo'y sumaya

Sa pag-iibigan naming dalawa

Nalunod ako sa kanyang mga halik

At sa yakap niya na anong higpit

Nawalay man sa mga mahal sa buhay

'Di ko na naisipan pa ang malumbay

Magagandang tanawin at sariwang prutas

At ang kalayaan na dinaranas


[Pre-Chorus]

Ngunit ang tunay na kailangan

Sa aking lubos na kaligayahan

Ay ang tulad niya na aking pangarap

At sa piling niya na walang kasing sarap


[Chorus]

Sa isla puting bato

Naging sarili namin ang mundo

Walang naging hadlang doon

Kahit kami ay magpagulong-gulong


[Guitar Solo]


[Verse 3]

Nilimot namin ang aming problema

Paraiso na para sa'min ang isla

Takbo ng oras ay walang sinasayang

Naghahabulan at nagkakantahan

Hanggang sa sumapit ang bilog na buwan

Kami ay nagmistulang Eba at Adan

At nang titikman ko na ang kanyang mansanas

Ako'y nabigla at napabalikwas


[Pre-Chorus]

Ako pala ay nagising

Sa panaginip ay nabitin

Panaginip na anong ganda

Sa pagtulog ko sana'y muli siyang makita


[Chorus]

Sa isla puting bato

Naging sarili namin ang mundo

Walang naging hadlang doon

Kahit kami ay magpagulong-gulong


[Outro]

Sa isla puting bato

Naging sarili namin ang mundo

Walang naging hadlang doon

Kahit kami ay magpagulong-gulong