Hardin

By Siakol

On Hiwaga

Released on April 21, 2003

Thumbnail

[Verse 1]

Nagpapatangay sa daan, inuulan

Para masapawan lang ang kalungkutan

At nanghihiram ng tawa, nagpapadala

Sa konting minuto na pinagkakasya


[Pre-Chorus]

Narating mo na rin ba ito?

Kung saan langit na sa iyo

Ang tinatawag kong paraiso

Ang sarili kong mundo ang kalayaan ko


[Chorus]

Sa munti kong hardin makikita ang nais gawin

Magtaka, mamangha, maglakbay sa diwa

'Wag ka lamang matutulala

Sa munti kong hardin ay may panganib din

'Wag mo nang tanungin, kusa mong alamin

Sarili mo ang dapat mong sundin


[Verse 2]

Nagpaparaya sa sulok, inaantok

Sa panaginip na kusang pumasok

At nanghihingi ng ngiti na nalalabi

Sa paglilibang sa biting sandali


[Pre-Chorus]

Narating mo na rin ba ito?

Kung saan langit na sa iyo

Ang tinatawag kong paraiso

Ang sarili kong mundo ang kalayaan ko


[Chorus]

Sa munti kong hardin makikita ang nais gawin

Magtaka, mamangha, maglakbay sa diwa

'Wag ka lamang matutulala

Sa munti kong hardin ay may panganib din

'Wag mo nang tanungin, kusa mong alamin

Sarili mo ang dapat mong sundin


[Guitar Solo]


[Pre-Chorus]

Narating mo na rin ba ito?

Kung saan langit na sa iyo

Ang tinatawag kong paraiso

Ang sarili kong mundo ang kalayaan ko


[Chorus]

Sa munti kong hardin makikita ang nais gawin

Magtaka, mamangha, maglakbay sa diwa

'Wag ka lamang matutulala

Sa munti kong hardin ay may panganib din

'Wag mo nang tanungin, kusa mong alamin

Sarili mo ang dapat mong sundin