Released on 2005

46K Views

Thumbnail

[Verse 1]

'Paririnig sa'yo sa pagdating mo sa mundo

Ang katahimikan malayo sa gulo

Sa inosenteng mga mata, aking ipapakita

Wala ang kamunduhan, walang pangangamba


[Pre-Chorus]

Humawak ka lamang sa aking kamay

Nang matuklasan ang ganda nitong buhay

Iingatan ka't 'di pababayaan

Gabay mo 'ko sa'yong kapaligiran


[Chorus]

Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon

Malayo sa dilim ng kahapon

Hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon

Mga batang naglalaro lang maghapon

Simoy ng hangin, sari-saring tanawin

Paligid na iyong tatahakin

'Pagkat walang sawa kitang aarugain

Sa paraisong kinalalagyan natin


[Verse 2]

'Padarama sa'yo upang mahubog ng husto

Ang kabutihan sa kapwa tao

At sa mura mong isipan, dapat nang malaman

Na may Diyos tayo na pasalamatan


[Pre-Chorus]

Humawak ka lamang sa aking kamay

Nang matuklasan ang ganda nitong buhay

Iingatan ka't 'di pababayaan

Gabay mo 'ko sa'yong kapaligiran


[Chorus]

Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon

Malayo sa dilim ng kahapon

Hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon

Mga batang naglalaro lang maghapon

Simoy ng hangin, sari-saring tanawin

Paligid na iyong tatahakin

'Pagkat walang sawa kitang aarugain

Sa paraisong kinalalagyan natin


[Instrumental Break]


[Pre-Chorus]

Humawak ka lamang sa aking kamay

Nang matuklasan ang ganda nitong buhay

Iingatan ka't 'di pababayaan

Gabay mo 'ko sa'yong kapaligiran


[Chorus]

Kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon

Malayo sa dilim ng kahapon

Hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon

Mga batang naglalaro lang maghapon

Simoy ng hangin, sari-saring tanawin

Paligid na iyong tatahakin

'Pagkat walang sawa kitang aarugain

Sa paraisong kinalalagyan natin