Released on 2005

Thumbnail

[Verse 1]

Basted ka na naman

Pang-ilan na ba 'yan?

Karakas ang sinisisi

Na may kamalasan

Ang lagi mong tanong

"Tao ba 'ko, inay?"

Nung magsabog ng kapangitan

Hindi ka namigay

[Chorus 1]

Habang nabubuhay ang tao dito sa mundo

Asahan mong may magmamahal sa'yo

Habang marunong kang umibig ay may kapalit

May maaakit kahit ika'y saksakan ng pangit

[Verse 2]

Hindi ka man gwaping

'Di ka naman bading

At sa taglay mong kabutihan

Meron ka ring dating

Tingin sa salamin

Iyong mapapansin

Mahirap ang maging tulad mo

Malapit sa tuksuhin

[Chorus 2]

Habang nabubuhay ang tao, ano man ang anyo

Asahan mong may magmamahal sa'yo

Habang marunong kang umibig ay may kapalit

May maaakit kahit ika'y saksakan ng pangit

[Guitar Solo]

[Verse 3]

Basted ka na naman

Tuloy ang inuman

Sa lupit ng sinapit

Babaha ng iyakan

'Wag mong ikahiya

Astig ang 'yong mukha

Kung tae nga ay may itsura

Eh ikaw pa kaya

[Chorus 1]

Habang nabubuhay ang tao dito sa mundo

Asahan mong may magmamahal sa'yo, oh-oh-oh