Released on June 18, 1996

15K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Ako'y may alaga, asong mataba

Buntot ay mahaba, makinis ang mukha

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Kaya kaming dal'wa ay laging magkasama


[Verse 2]

Kung ako ay aalis, siya'y sumusunod

Sa aking pagbabalik, pamawi ng pagod

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Hindi lang sya alaga, kaibigan ko pa


[Chorus]

Kahit hayop ay dapat ring mahalin

Lalo't maamo at masunurin

Sila'y alagaan at 'wag pababayaan

Tao at hayop may unawaan


[Verse 3]

Sa aking pag-iisa, aso ko ang kasama

Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Paglalambing niya aking damang-dama


[Verse 4]

'Pag siya'y binabato, aking pinagtatanggol

'Pag ako'y inaaway, kanyang tinatahol

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Kaibigan tunay sa hirap at ginhawa


[Chorus]

Kahit hayop ay dapat ding mahalin

Lalo't maamo at masunurin

Ngunit minsan hindi mo rin akalain

Ang pangyayari ay nagbabago rin


[Verse 5]

Kahol sya ng kahol, ang aso ko'y nauulol

Laking gulat ko pati ako ay hinabol

Mahal niya ako, mahal ko rin sya

Kaya ganon na lang ang aking pagtataka


[Outro]

Ako'y may alaga, asong mataba

Bunto't ay mahaba, makinis ang mukha

Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya

Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na