Released on February 17, 2023

Thumbnail

Nakakatakot

Paminsan nakakakilabot

Pag iniisip ang

Pinagdaanan kahapon

Mas buti nalang na mag tago

At

Gustong maglaho

Sa mundong nakaka pagod

Walang oras na

Nakakapagpahinga

Hinahanap ang sarili, nawawala

Mabuti nalang

Ay kaya ko pang

Labanan ang mga bumubulong

Dinadawit ang sarili sa kapahamakan at

Hanggang sa mawalan ng

Tiwala sa sarili kong kakayahan

Hanggang kailan pa ba na

Makikipag labanan para sa sarili kong kaisipan at

Wag kang panghihinaan ng loob

Wag mong bitawan

Tiwala lang sa sarili

Kahit tinatawanan

Kasi ‘yan ay

Pampatibay ng loob

(Pagsubok lang)

Marami ring nanonood

(May iilan)

Palagi lang subukan

Maraming matututunan

(Kasi ‘yan ay)

Takot

Na magpapanatili

Ng buhay na pinipili at

Nagpapatunay na

May kaakibat na kulay

Ang bawat eksena sa pera’t babae

Pero musika ang bumuhay uhh

Gagamayin lang hanggang humusay

Kasi ‘yan ay

Pakiramdam na para bang

Ni-isa ‘la pang kumain

Ng aking hinain

Pero bukas asahan parin na magsasaing

Aangkinin kung ano para sa’kin

Iindahin ang bigat ng bulsa

Gigibain ang bawat balakid

Kakalasin ko ang tanikala

Pagod na magtago

Pagod na isipin na gustong maglaho

Mga pinaplano

Abusado na sa pagkapako

Nasasakdal ang akusado

Nakataya na pati pato

Kaso

Tinalo ko na yung dating ako

Ito na yung bagong

Apoy na tinitingala ko

Kahit malayo o

Kahit na delikado

Kita ko ng klaro

Sa mga ginawa ko

Napuno ko yung baso

Lamon na lamon na yung takot

Na nakabalot sa kataga ko

Pampatibay ng loob

(Pagsubok lang)

Marami ring nanonood

(May iilan)

Palagi lang subukan

Maraming matututunan

(Kasi ‘yan ay)

Pampatibay ng loob

Mananatili parin kahit

Maraming manood uh

Sinunod ng malugod

Ang hangarin

Na mapasakin ‘yan

Oh sige isipin mo

Daming natutunan

Aking sinubukan

Kahit na mahirap

Hindi ko sinukuan

Maraming kang aral na makuha kalaunan

Talagang mahihirapan ka

Kasi nga yaan lamang ay

Pampatibay ng loob

(Pagsubok lang)

Marami ring nanonood

(May iilan)

Palagi lang subukan

Maraming matututunan

(Kasi ‘yan ay pagsubok lang)