PADAYON

By SHOTI (PHL)

Released on August 11, 2023

Thumbnail

Ilang gabing 'di makatulog

Kulang ang kumot

Saking hinigaan

Hindi na rin na madali na kalimutan ang mga nagdaan

Sabihin man na malungkot

Anong madudulot?

Kung pag bangon ko dun sa kama

Gigising maaga

Ganun rin naman

Pero mabuti nalang

May mga kaklase na aking masasandalan

Pag katapos ng nakakapagod ko na klase

Palaging nag tatawanan

Kasama si Drew doon sa tindahan

Oh kaya si Abuy dun kela tatay

Dun na nasanay

'Di malumanay

'Pag kasama na ang tropa tumambay

Ngunit aabot sa puntong maghihiwalay na lahat ng landas

Pero maghihintay parin akong makasalubong kayo sa labas

Apiran sa tuwina mag kikita sa eskinita

Hirap kalimutan

Pinag samahan na habang buhay magiging alaala na lamang

May kanya-kanyang pangarap

Na nangangarap na meron na mapatunayan

Sa'ming magulang

Na hindi nagkulang

Sa pagkayod para makapag tapos ka lamang

Kahit may araw na nanghihina

Ulan ay titila

At kung umambon man at bumaha

Tandaan na mayroong sagwan ang bangka

PADAYON

At kung umambon man at bumaha

Tandaan na mayroong sagwan ang bangka

PADAYON

At kung umambon man at bumaha

Tandaan na mayroong sagwan ang bangka

PADAYON

At kung umambon man at bumaha

Tandaan na mayroong sagwan ang bangka

PADAYON

PADAYON

Ito na 'yon

Ang matagal nang gustong makamit

Ang makapag martsa habang suot ang mga magagarang damit

Naka itim na toga

Ang suot kulay asul pa na lonta

Maski maporma

Merong ibubuga

Masipag natuto na

Kahit walang plataporma

Palagi ka din naman na madadapa

Sa mga bagay na di kaya ay mangangapa ka pa

Papag hindi na alam ang ginagagawa

Ay malamang lang rin madi-dehado ka

Kaya tuloy-tuloy lang

Kung meron mang pagsubok

Matic ay pupusta

Lahat ay pupunta

Buhay na marangya

Basta tiwala makakapagtapos ka

(Makakapagtapos ka)

Uh sipag at tiyaga lamang

Kahit pa man na mahirap

Ay lumalaban

At malubak man sa mga dinaanan mo

Ang kaginhawaan ay matatamo mo rin

Hindi ka pa pu-pwede na tatamarin

May pangarap na kailangan pa na marating

Ang bituin kumikinang sa tuwina sinusubukan mo lamang ito na abutin

Yeah andito na tayo

Yung akalang malabo

Ilalabas ang angking mong galing

Kay tagal na din mo lang rin na tinatago

At oo nga nandiyan ka na

Mahirap man yan kakayanin mo pa

Madami pang dadaan na hamon kasi nga

Malayo ka pa pero malayo ka na

PADAYON

Dami pang dadaan na hamon kasi nga

Malayo ka pa pero malayo ka na

PADAYON

Dami pang dadaan na hamon kasi nga

Malayo ka pa pero malayo ka na

PADAYON

Dami pang dadaan na hamon kasi nga

Malayo ka pa pero malayo ka na

PADAYON

Dami pang dadaan na hamon kasi nga

Malayo ka pa pero malayo ka na

PADAYON