Unsure

By SHORTONE

Released on March 27, 2020

Thumbnail

Sa dami ng tanong sagot ay hahanapin ko rin

Subalit nakatalikod ka 'yaw mo 'kong harapin

Sumali man aking anino, teka ba’t dumilim?

Sumapit na'ng gabi ay blangko pa din

Dami-daming tanong

Ang namumuo sa’king isipan

Damay-damay na 'to

Kasi...


[Chorus]

Kailangan ko ng kasiguraduhan

'Di na rin sapat ang halik upang malaman

Ang katotohanan na namamagitan

Sa'ting dalawa kung meron ba o do'n na lamang

Kailangan ko…


[Verse]

"Mauna na ako dami ko pa palang gagawin"

Itong laging sagot mo 'pag ikaw ay tatanungin

Kung totoo ba 'tong sa atin o biro lang din

Kung laro lang, halik ay 'wag akong alukin

Tuyot na aking isip, sana'y maambunan

Tatlong patlang sa akin ang gusto kong mapunan

Tulog ba? gigisingin

Ano bang pumipigil?

Sa'yo ako'y lito at…


[Chorus]

Kailangan ko ng kasiguraduhan

'Di na rin sapat ang halik upang malaman

Ang katotohanan na namamagitan

Sa'ting dalawa kung meron ba o do'n na lamang

Kailangan ko lang ng iyong salita

Kung hindi 'to totoo

Edi magsabi ka


[Verse]

Ito nga lang ba ay pang-aakit?

Kahit gano'n 'di ako magagalit

Ngayon alam ko nang ako'y may gamit

Huling tanong ko na pangako, bakit? Bakit?

Gamit-gamit ang higaan

Kitang-kitang kahinaan

Gano'n na lang?

Ba't nangyari nang biglaan

Gamit-gamit ang higaan

Kitang-kitang kahinaan

Gano'n na lang?


[Chorus]

Kailangan ko ng kasiguraduhan

'Di na rin sapat ang halik upang malaman

Ang katotohanan na namamagitan

Sa'ting dalawa kung meron ba o do'n na lamang

Kailangan ko lang ng iyong salita

Kung hindi 'to totoo

Edi magsabi ka

Kailangan ko ng kasiguraduhan

'Di na rin sapat ang halik upang malaman