Tanging

By SHORTONE

Released on May 28, 2021

Thumbnail

Intro:

(instrumental)

Verse1:

Ikaw ang pasalubong

Sayo akoy sabik

Di na ako tututol

Kung gusto moy halik

Matapos ang mahaba mong araw

Papagurin kita lalo, dito ka na't umibabaw

Wag kang mahiya

Wag mong ibulong

Malakas ang ulan

Maingay ang bubong

Sabayan natin ang bilis nang pagpatak

Marka ng pag-ibig satin itatatak (ugh)

Bridge:

Tila ikaw ang gasolina ng aking makina

Tanaw ko ang iyong gandang pinakamakinang

Chorus:

Ikaw lang, ikaw lang

Ang tanging minamahal ko

Akoy nasakop

Ng iyong pagtingin

Ikaw lang, ikaw lang

Kahit hindi na ako oh

Ang iyong gusto

Pero wag naman sana

Verse2:

Pagod buong gabi

Pero sarap nang paggising

Wala tayong damit

Nakadantay ka saking bisig

Napapangiti pa kapag na aalala

Ang mga kilitian sa kama

Di magi-iba

Ang aking tugon

"palangga kita"

Sagot ko pag nagtanong

Maliban sa mainit na adobo

Ay ikaw lang ang may toyo na aking paborito

Bridge:

Habang tayoy tumatawid patungong kabila

Hawak ng 'king kanang kamay ang iyong kaliwa

Chorus:

Ikaw lang, ikaw lang

Ang tanging minamahal ko

Akoy nasakop

Ng iyong pagtingin

Ikaw lang, ikaw lang

Kahit hindi na ako oh

Ang iyong gusto

Pero wag naman sana

Verse3:

Sayo lang tutungo

Ikaw aking amo

Sundin bawat utos

Sayo lang pangako

Direkta sayo

Ang aking paningin

Sayo lang nakatitig

Parang manequin

Ikaw lang ang ilaw

Ako ang haligi

Lahat ng mga bagay

Tayong magkahalili

Di kulang di sobra

Ikaw ay sapat

Kaya dapat banlik ko

Ay laging tapat

Outro:

Ikaw lamang

Ang minamahal ko