Talintala

By SHORTONE

Released on November 5, 2018

Thumbnail

Hinahangaan kong bituin, aking tinitingala

Tila’y lumapit naibsan ang dilim

Nagmistulan kang dayuhan

‘Di ko akalain, agad na nabihag sa unang tingin


[Verse: Shortone]

Teka Miss nabihag ako ng iyong ganda

Unang sulyap puso para bang hinihila na

Nagkasalubong tayo sa gilid ng dagat

Sinundan hanggang ika'y tumigil at may balak

Paningin nagkatagpo

Balahibo tumatayo puso ko'y tumitibok

Para kang libro na binabasa ko na ayaw magkaroon ng dulo

Paano 'to?

Parehong naguluhan

Pasikot-sikot ang paningin nating dalawa

Bahala na

Ako'y lumapit at nahiyang sinabi na “kumusta ka?”

Pinairal ang nadarama

Kalungkutan sa sarili ay nalanta na

Dahil sa iyong ganda ako'y natulala

Lumipas ang mga oras at hinatid kita


[Chorus]

Hinahangaan kong bituin, aking tinitingala

Tila’y lumapit naibsan ang dilim

Nagmistulan kang dayuhan

‘Di ko akalain, agad na nabihag sa unang tingin


[Verse: Shortone]

Sinampal aking sarili inalam kung totoo

Baka naman kasi mamaya nananaginip lang ako

Pagkat ang braso mo'y sinlambot ng alapaap

Imposibleng marating kapag tayo lang ay lalakad

Tanong ko lang “Sanay ka ba na tumakbo?”

Pagkat buong araw kang tatakbo sa'ting paraiso

Hahabaan ang pasensiya kahit mag-antay nang matagal

Madama lang ang iyong presensya


[Verse: No$ia & Shortone]

Malalim man ang tinginan pero ‘di malulunod

Ikaw ang kapitan pero sa ’yo din mahuhulog

Ako ang barko, ikaw ang magsisilbing kapitan

Sumakay ka na sa akin at ako na ay ‘yong timunan

Ikaw bahala kung saan papunta

Magpapadaloy ba sa agos o sa labasan na

Basta’t mangako ka na pagkatapos nitong araw

Na uulitin natin ‘to hanggang sa maging araw-araw


[Chorus]

Hinahangaan kong bituin, aking tinitingala

Tila’y lumapit naibsan ang dilim

Nagmistulan kang dayuhan

‘Di ko akalain, agad na nabihag sa unang tingin


[Bridge:]

Lumipas ang oras na magkasama tayong dalawa

At nagkahulugan na


[Instrumentals]


[Chorus]

Hinahangaan kong bituin, aking tinitingala

Tila’y lumapit naibsan ang dilim

Nagmistulan kang dayuhan

‘Di ko akalain, agad na nabihag sa unang tingin