Released on August 28, 2021

Thumbnail

PrettyBoy:

Sige lumipad hangang makita mo si GOD

Walang titibag nasanay na to sa bilad

Habang naglalakad utak ay nakaangat

Dami kong ilalahad kaw bahala kumagat

Kahit anong talon di mo kami maabot

Wag ka saking magtanong di kita masasagot

Hindi to patapon di pa ko nabubulok

Lahat samin ay lamon lalo yung bumabatok

Labas pangil, dila, laway tas simangot parang aso

Aming baso kakapaso walang kaso pero pano

Makikiinom eh di ka kasama sa plano

Limitado lamang dito saming eroplano

Wait, wait, lemme check your passport

Di pwede na pumasok di alam ang password

Kaya ba nandirito para mag astang bandido

O nandito ka lang rin kasi isa ka sa pabibo

Libo libong beses kong pinapakinggan

Inyong mga bulungan para bang machine gun

Di ko na kelangan magbasag ng pinggan

Para mapansin at ako ay inyong titigan

Shitismypersona:

Tug tug rinig ko na ang kalabog ng puso

Pawang Katotohanan lang ang lumalabas sa nguso

Hanggat merong tunog di magsasawa mang abuso

Brutal magsalita tila merong inaasunto

Eksperto na gumuhit ng imahe sayong ulo

Na parang nag pagupit at nagpaahit sa barbero

Di na nga magbibiro ako ay masamang ehemplo

Tila elemento na hinalo sa pulang malboro

Nicotine, ang karamay ko sa tuwing akoy naaning

Paningin, para bang nagiging kulay green

Alamin, nakatago sa likod ng salamin

Tanungin, bat ka ba nakatingin

Napraning, kausap ko sarili ko lang din

Yun pala nababalot sa dilim hirap na nga abutin

Amat ko ganon pa din, tumikim

Pero di ka kayang pakushin

Kase alamona nilamon na

Sistema dito satin

Kaya kung negats ka pasensya na layo ka muna sakin

Mahirap na baka matodas gawing pain

Outro:

(Tugtug) Sige lumipad hanggang makita mo si GOD

(Tugtug) Sige lumipad hanggang makita mo si GOD

(Tugtug) Sige lumipad hanggang makita mo si GOD