[Verse 1]
Nais kang makilala
Bukod sa pangalan mong kay ganda
Ikaw ba'y kumain na?
O baka naman nagpapalipas ka, ah
Mahirap namang bumase
Sa nakikita ko sa social media
Maaari bang lumapit at kausapin ka
Pwede ba?
[Pre-Chorus]
Patuloy na namamangha sa'yong mahika
Kay gandang tala
Kailan ba masasabing ika'y kaibigan na?
[Chorus]
Hindi ko alam ang gagawin
Dito ka na lang sa'king piling
Ano ba ang dapat sabihin para ako'y iyong mapansin?
Ikaw lang ang aking pipiliin
Ngayon, bukas at kailanman
Hanggang lihim na lang bang aking pagtingin
Ayos lang kung kaibigan munang aking mithiin
[Interlude]
[Verse 2]
Nais kang makasama
Pwede ka ba sa sabado o ibang araw
Ako na ang bahala
Pagkatapos ba nito'y diretso na tayo sa simbahan?
Pero teka masyado pa yatang maaga para isipin yan
Paano naman akong hindi na makakalma ang mga paruparo sa tiyan?
[Pre-Chorus]
Patuloy na namamangha sa'yong mahika
Kay gandang tala
Mukha ngang ako'y natuluyan na sinta
(Shocks, yari na)
[Chorus]
Hindi ko alam ang gagawin
Dito ka na lang sa'king piling
Ano ba ang dapat sabihin para ako'y iyong mapansin?
Ikaw lang ang aking pipiliin
Ngayon, bukas at kailanman
Hanggang lihim na lang bang aking pagtingin
Ayos lang kung kaibigan munang aking mithiin
[Bridge]
Kung ako'y papalarin
Maging kaibigan mo pagkatapos ka-ibigan
Baka nga hindi ito normal
Pero alam kong ito ay kaya kong patunayan
Ngayon lng ako naging ganito, oh, oh, oh
Kailan kaya masasabing mahal mo na rin ako?
[Chrorus]
Alam ko nang aking gagawin
Kaya dito ka na lang sa aking piling
May takot man sa akin pero lalaksan ang loob para mapansin
Ikaw lang ang aking pipiliin
Ngayon, bukas at kailanman
'Di na ililihim ang aking pagtingin
Ikaw lang parati, palagi ang aking mithiin
[Outro]
Ikaw lang, ikaw lang, ikaw lang
Ikaw lang, ikaw lang ang aking mithiin
Ikaw lang parati, palagi ang aking mithiin