FORMLESS

By SGIMI x SPLAKY

Thumbnail

Sgimi:

Sa aking paglalakbay

Baon ang gabay ng aking ama't inay

Likod may mga latay ng masusing pagsasanay

Sungay hiwalay, nilagay ko na sa hukay

At hindi na sumuway, ang tulay ay pinagtibay

Habol ay saysay na bigay at taglay ng ating buhay

Halika na't ikaw ay sumakay at sumabay

Ating kamitin ang tagumpay

(Chorus)

Pano ka sumulat? (Pano ka? Pano ka?)

Pano ka namulat? (Pano ka? Pano ka?)

Pano ka sumukat? (Pano ka? Pano ka?)

Pano ka? Pano ka?

Splaky:

Tinahak ang yapak mag-isa

Hinanap ang yakap ni ina'y, ako ay

Napayakap sa unan

At natagpuan ang gabay ni itay

Na sin' lambot ng bulak

Minsan na rin akong nabulag

At alam ko sa sarili ko ang pagkukulang

Mga tahi sa 'king katawan ay katibayan

Na tayo ang umuukit ng ating kapalaran

Malubak na daan

Hindi na hinangad maging patag

Uhaw sa patak ng ulan

Ang aking nanunuyong mga palad

(Chorus)

Pano ka sumulat? (Pano ka? Pano ka?)

Pano ka namulat? (Pano ka? Pano ka?)

Pano ka sumukat? (Pano ka? Pano ka?)

Pano ka? Pano ka?

Sgimi:

Isang tanda ng pagtanda

Alam pagkakaiba ng maganda't mahalaga

Kinakapa, kung may makukuha o wala

Di na ako umaasa sa madla o himala

Ako'y handa, sa lakas ng alon sumangga

Kailanma'y di naghangad ng ano man na gantimpala ng iba

Simula sa pagkabata

Sa lahat ng pagdapa'y tumingala, naniwala't nagtanda

(Chorus)

Pano ka sumulat? (Pano ka? Pano ka?)

Pano ka namulat? (Pano ka? Pano ka?)

Pano ka sumukat? (Pano ka? Pano ka?)

Pano ka? Pano ka?