DISKARTE

By SectionJuan

Released on March 4, 2022

Thumbnail

[Verse 1]

Naghahabol ng aking biyahe

Para lang makasabay ka, makasama bago pumara

Excuse me miss, paabot ng pamasahe

Para lang mapalingon ka't masilayan ang iyong ganda


[Pre-Chorus]

Walang mintis sa mga bawat titig mong dumadaplis

Teka muna miss, puwede bang malaman ang pangalan mo, oh oh

'Pag nakikita ka, paligid ko'y nag-iiba

Nagkakulay ang daanan sa nilalakaran, heto aaminin ko na


[Chorus]

Mata'y pinipikit 'pag dumaraan ka na

Ramdam ang 'yong ngiti sa tuwing lumalapit ka

Ako'y kinikilig kahit 'di sinasadya

Ano nga ba talaga ang meron ka?

Lika't sumama na


[Post-Chorus]

Kahit sa panaginip lang

Hawak ang 'yong kamay

At kasamang naglalakbay

Puwede bang paakbay?

Habang tayo'y naghihintay

Ng biyahe patungo sa 'king pusong nalulumbay


[Verse 2]

Pinagmamasdan ang 'yong gandang 'di nakakasawa

Habang kaharap ka sa kabilang upuan kahit siksikan

At inaabangan kung saan papara

Para makadiskarte sa paraan na simple kahit walang kotse, eh


[Pre-Chorus]

Walang mintis sa mga bawat titig mong dumadaplis

Teka, teka lang miss, puwede bang malaman ang pangalan mo, oh oh

'Pag nakikita ka, paligid ko'y nag-iiba

Nagkakulay ang daanan sa nilalakaran, heto aaminin ko na


[Chorus]

Mata'y pinipikit 'pag dumaraan ka na

Ramdam ang 'yong ngiti sa tuwing lumalapit ka

Ako'y kinikilig kahit 'di sinasadya

Ano nga ba talaga ang meron ka?

Lika't sumama na


[Post-Chorus]

Kahit sa panaginip lang

Hawak ang 'yong kamay

At kasamang naglalakbay

Puwede bang paakbay?

Habang tayo'y naghihintay

Ng biyahe patungo sa 'king pusong nalulumbay


[Instrumental Break]


[Chorus]

Mata'y pinipikit 'pag dumaraan ka na

Ramdam ang 'yong ngiti sa tuwing lumalapit ka

Ako'y kinikilig kahit 'di sinasadya

Ano nga ba talaga ang meron ka, ah ah

Mata'y pinipikit 'pag dumaraan ka na

Ramdam ang 'yong ngiti sa tuwing lumalapit ka

Ako'y kinikilig kahit 'di sinasadya

Ano nga ba talaga ang meron ka?

Lika't sumama na


[Post-Chorus]

Kahit sa panaginip lang

Hawak ang 'yong kamay

At kasamang naglalakbay

Puwede bang paakbay?

Habang tayo'y naghihintay

Ng biyahe patungo sa 'king pusong nalulumbay


[Chorus]

Mata'y pinipikit 'pag dumaraan ka na (Dumaraan ka na, ah ah)

Ramdam ang 'yong ngiti sa tuwing lumalapit ka (Lumalapit ka)

Ako'y kinikilig (Kinikilig) kahit 'di sinasadya

Ano nga ba talaga ang meron ka?

Lika't sumama na