Released on March 27, 2026

70K Views

Thumbnail

[Verse 1: Ken]

'Di ko na makita pa

Ang liwanag na dati'y malaya

Patuloy lang sa paglakad ang aking mga paa

Panatag na kailanma'y 'di ako mag-iisa


[Pre-Chorus: Justin]

Ngunit unti-unting kumupas lahat ng kulay

Naglaho ang sigla ng dating punong-puno ng buhay

Kinabukasan man ay walang patunay

Umaasa na hindi ka pa mawawala


[Chorus: Stell]

Kung lahat may hanggan

Pwede bang 'wag mo na 'kong bitawan?

'Di ba't kung mahalaga 'di mo hahayaang mawala nang basta?

Alam kong pagod ka na

[Verse 2: Ken, Pablo]

At nandito pa rin ako sa paraisong pinangako

Na sabay nating binuo

'Wag nating hayaang gumuho

Bawat minuto at segundo

Ibibigay ko ang lahat (Oh)

Hayaan mo na munang ako'ng pumasan

Ng 'yong bigat, ng bigat, oh


[Pre-Chorus: Josh]

Unti-unting kumupas lahat ng kulay

Naglaho ang sigla ng dating punong-puno ng buhay

Kinabukasan man ay walang patunay

Umaasa pang hindi ka basta mawawala

[Chorus: Justin, Pablo]

Kung lahat may hanggan

Pwede bang 'wag mo na 'kong bitawan?

'Di ba't kung mahalaga 'di mo hahayaang mawala nang basta?

Alam kong pagod ka na

Kung lahat may hanggan

Pakiusap 'wag mo 'kong sukuan

'Di ba pwedeng balikan ang mga pangako sa'ting nakaraan?

Iyo bang nalimutan? (Oh-oh)

[Bridge: Josh, Stell, Pablo]

'Di ko na alam kung ano'ng gagawin ('Di ko na alam)

Kung para sa'n pa ang aking mga hiling (Kung para saan pa)

Malayo-layo na rin ating narating

Ba't parang mag-isa't ako na lang?

Wala ba talagang kinabukasan

Ang mga sinimulan?

Ayoko namang pagsisihan ang lahat

Ito na ba'ng wakas?

[Chorus: Pablo, Stell]

Ang lahat may hanggan (Oh, oh-oh)

Walang saysay ang patuloy lumaban

'Di ba para kang tanga kung isasalba mo pa rin ang wala na?

Alam kong ubos ka na (Oh-oh)

Kung lahat may hanggan (Ooh-oh)

Pakiusap 'wag mo 'kong sukuan

'Di na ba mahalaga mga binitawan nating salita?

Ako man ay pagod na


[Outro: Ken]

Ito na ang simula at wakas

Ng mga bagay-bagay na pinaghirapan

Matatapos na lang ba sa paalam?

Ito nga ba'ng simula at wakas

Ng lahat ng pangarap na ating nilaban?

'Wag mong kalimutan ang aking pangalan