Nyebe

By SB19

Released on December 12, 2022

31K Views

Thumbnail

[Intro]

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh

[Verse 1: Ken, Pablo]

Bakit ba 'di ko namalayang dumadampi na sa'king mukha?

Lamig na mabigat pa sa dala

Kahit papalapit na ang inaabangan nila

Na noo'y pinatibok ang puso kong ngayo'y nagyelo na

[Verse 2: Josh, Justin]

'Di ko na alam ang aking gagawin pa

Ako'y kuntento na basta alam kong tayo'y humihinga pa

Sa dami ng pinagdaanan ay hindi ko na

Alam kung paano pa ba ako magiging masaya


[Pre-Chorus: Stell]

Tayo ma'y magkalayo, panalangin ko'y kayo

Takot ay maglalaho, ito'ng aking pangako

Ako'y nandito

[Chorus: Pablo, Josh]

Alam ko na hindi ito posible

Pero bakit bumubuhos ang nyebe?

Nanlalamig ang bisig, hinahanap ang 'yong tinig

Mahagkan ka sana'y 'di imposible

[Post-Chorus: Pablo, Ken, Justin, Stell]

Oh, nyebe, nyebe, nyebe

Malamig ma'y 'di na bale

Nyebe, nyebe, nyebe

Basta't nand'yan ka parati

Nanlalamig ang bisig

May kaba pa sa'king dibdib

Marinig lang ang 'yong tinig

Matutunaw din lahat ng nyebe


[Refrain: All]

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh, yeah-eh

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

He-he-hey, he-he-hey

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

He-he-he-he-hey

[Bridge: Ken, Pablo, Justin]

Ginugol oras sa lahat ng bagay na hinahangad

'Di namalayang oras ay lumilipad, ooh-woah-oh

At kung ako'y nakalilipad ay babaliin siyang pakpak

Nang sa gano'n oras ay huminto

Ngayo'y nandito

[Interlude: Josh, Stell]

Alam ko na hindi ito posible

Pero bakit bumubuhos?

Bakit bumubuhos ang

Nyebe, nyebe, nyebe

Nyebe, nyebe, nyebe? Oh

[Chorus: All, Pablo]

Alam ko na hindi ito posible (Alam na 'di posible)

Pero bakit bumubuhos ang nyebe? (Bakit bumubuhos?)

Nanlalamig ang bisig (Nanlalamig ang bisig)

Hinahanap ang 'yong tinig (Ang 'yong tinig)

Mahagkan ka sana'y 'di imposible (Sana ay posible)


[Post-Chorus: All]

Oh, nyebe, nyebe, nyebe

Malamig ma'y 'di na bale

Nyebe, nyebe, nyebe

Basta't nand'yan ka parati

Nanlalamig ang bisig

May kaba pa sa'king dibdib

Marinig lang ang 'yong tinig

Matutunaw din lahat ng

Matutunaw din lahat ng

Matutunaw din lahat ng nyebe