Released on June 9, 2023

44K Views

Thumbnail

[Verse 1: Pablo, Ken, Stell]

Ang aking mundo ay payapa

Sa 'di malamang dahilan

At noon ay buo kong inakala

Lahat ay ayos na naman

Nang bigla na lang ay dumating ang 'di hinantay

Nagbabalat kayong himala, oh-oh-oh

Mga pasan ay gumaan, ikaw ang tanging dahilan

Sa'yo lang napuno ng kasiguraduhan


[Pre-Chorus: Josh]

Narito ako, tapat lang at totoo

Pinapangako sa iyo, oh

[Chorus: Justin, Stell]

Ito ang aking liham sa pag-ibig ko

'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano

Ikaw lang ang himpilan ng aking puso

Sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao

Ligaya ng aking mundo

[Verse 2: Justin, Pablo, Ken]

Oh, kay rami ng mga bagay na hindi natin maintindihan

Sa kabila ng lahat ay pilit nating binabalikan (Oh-woah)

Mga panaginip na inaasam

Ako'y binuo ng mabuti't masamang karanasan

Puno man ng mantsa'y tinuring karangyaan

At gano'n-gano'n na lang

Pagmamahal mo ay walang (Oh)

Anumang pag-aabang kaya habang


[Pre-Chorus: Stell]

Narito ako, magpapagal para sa iyo

Handang isuko ang buo, oh

[Chorus: Josh, Pablo]

Ito ang aking liham sa pag-ibig ko

'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano

Ikaw lang ang himpilan ng aking puso

Sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao

Ligaya ng aking mundo


[Instrumental Break]

[Bridge: Justin, Ken, Josh, Stell]

Pa'no kaya kung hindi tayo nagkita?

Ang buhay ko'y matatawag pa nga bang buhay?

Sa layo ng bituin, ang tingnan ito'y

Pagtingin sa nakaraang 'di gunitang tunay

Oh, paumanhin, wala ka man sa alaala ko'y

Habang buhay kitang

[Post-Bridge: Stell, All]

Mamahalin, yeah

Iginugumon ng bituin

Ikaw lang ang siyang mamahalin

Mamahalin, yeah

Ito ang aking paumanhin

Habang buhay kang mamahalin

Ooh-woah, ooh-woah-oh, ooh-ooh, woah

Iginugumon ng bituin

Ikaw lang ang siyang mamahalin

Mamahalin

Ito ang aking paumanhin

[Chorus: Pablo, Ken, Stell]

Ito ang aking liham sa pag-ibig ko

'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano, oh, oh-oh

Liham sa pag-ibig ko

Pinapangako na ang bituin ko ay para lang sa'yo

Ikaw lang ang himpilan ng aking puso

Maging sa hinaharap o nakaraan, ikaw lang at ako

Oh, aking mundo, woah, oh-oh-oh, ooh-ooh, yeah

Ligaya ng aking mundo