Ikako

By SB19

On Pagsibol

Released on July 22, 2021

Thumbnail

[Verse 1: Ken]

Paggising sa umaga'y tinig mo ang paboritong himig

’Di naman siguro 'to isang panaginip

Pinagdarasal parati, kaligtasan mo't mapawi

Ang lungkot sa’yong mata, 'di na luluha pang muli


[Refrain: Justin]

Panahon ma'y nagdidilim, liwanag ay sisikat din

Sabay nating haharapin, mm-mm

Takot sa puso'y alisin, lahat ng 'to'y lilipas din

Walang pagsubok na 'di kakayanin


[Pre-Chorus: Stell]

Ibig ko lang ipahiwatig

Na basta may pag-ibig

Sa puso nati'y magwawagi, yeah


[Chorus: All]

Oh, sigurado, babangon tayo

Kaya’ng lahat, ikaw at ako

’Wag kang susuko, magkasama tayo

Hanggang sa dulo, ikaw at ako


[Post-Chorus: All]

Oh, ooh-woah, oh, ooh-woah

Oh, ooh-woah, ooh-woah

Oh, ooh-woah, oh, ooh-woah

Oh, ooh-woah, ooh-woah

[Verse 2: Pablo, Josh]

Ang dami-dami na natin pinagdaanan no'n

Bawat marka ay tanda na higit na mas matatag

Na tayo ngayon, tindi ng alon kahapon

Tsk, wala ’yon, babangon tayo, padayon

At sino'ng nagsabi buhay magiging madali?

Sisingilin ka niyan araw-araw

Bayaran mo paunti-unti, sulitin ang bawat sandali

Isipin mong mabuti kung pa'no mo gagamitin ang sukli


[Pre-Chorus: Stell]

Ibig ko lang ipahiwatig

Na basta may pag-ibig

Sa puso nati'y magwawagi, yeah

[Chorus: All, Pablo]

Oh, sigurado, babangon tayo

Kaya’ng lahat, ikaw at ako

'Wag kang susuko, magkasama tayo

Hanggang sa dulo, ikaw at ako (Ikaw, yeah)


[Bridge: Pablo]

Ang nais kong makasama hangga't narito sa lupa

Kung maaari lang sana, 'wag ka nang mawawala

Ako ay lagi mong kasangga sa lahat ng 'yong problema

Yeah, 'di ka nag-iisa


[Chorus: All]

Oh, sigurado, babangon tayo

Kaya'ng lahat, ikaw at ako

'Wag kang susuko, magkasama tayo

Hanggang sa dulo, ikaw at ako


[Post-Chorus: All]

Oh, ooh-woah, oh, ooh-woah

Oh, ooh-woah, ooh-woah

Oh, ooh-woah, oh, ooh-woah

Oh, ooh-woah, ooh-woah


[Outro: All]

Wala na ang pangamba

Basta't ika'y kasama

Wala na ang pangamba

Yah, yah, yah, yah, yah, yah