Released on February 28, 2025

176K Views

Thumbnail

[Verse 1: Josh, Ken]

Woo, this is ugly

But alam mo naman that me likey

Then again, woo, 'cause I'm icy

Kahit na ano pa 'yan, come bite me

Whatcha gonna do, do 'pag may dumating

Na maitim na ulap? Ako? Kikiligin!

Kung tutok sa positibo ay baka lang mapraning

Kasi 'pag realidad na ang harang, agad na gising

Now, son, ano'ng pakiramdam?

Pumanhik sa walang hanggang hagdan

'Di pa sa padamdam ang katapusan ng lahat ng 'yong sinimulan

Dito sa'king depot lahat tinipon kahit 'nong digmaan

I doubt that, 'di ko kayang tagusan

Tanggap ko na'ng kamalasan ay nakaabang

[Pre-Chorus: Stell, Justin, Pablo]

Kita ba sa'king mga mata

Ang mga bagay na hindi mo nakikita?

Ang kalawakan 'pag ako'y nangarap

Kasukdulan ma'y 'di patitinag

Heto na, heto na, bunga ng mga hiraya

Bago ko pakawalan, isang katanungan

Ano'ng pakiramdam? Ano'ng pakiramdam?

[Chorus: Josh, Stell, Pablo]

Bakit ba nagkagan'to? Ang daming tukso

Bawat hakbang laging may gulo

Pagka-malas (Ba't ba? Ba't ba?)

'Di ko ugaling tumakbo, dito lang ako

Kasalanan ko'ng lahat ng 'to

'Lang humpay sa paggusto


[Verse 2: Pablo]

Keep throwin' your two cents

I'm all ears with two hands

'Wag niyo 'kong hamunin

'Ge, ang mag-siga, susunugin

Yeah, life's a bliss

'Cause I'm the Great, the best

Pessimist, and y'all cannot contest

Praises don't excite me, not the faintest

Gossip won't budge this Everest

[Pre-Chorus: Justin, Stell, Josh]

Para sa'n pa 'yung mga paa

Kung 'di naman kaya tumayong mag-isa?

Pa'no hahawakan ang pangarap

Kung maduduwag ka lang sa pahamak?

Heto na, heto na, kailangan mong maniwala

Pa'no mo wawakasan ang 'di sinimulan?

Mananatili kang walang alam sa pakiramdam

[Chorus: All, Ken, Justin, Pablo]

Bakit ba nagkagan'to? Ang daming tukso

Bawat hakbang laging may gulo

Pagka-malas (Ba't ba? Ba't ba?)

'Di ko ugaling tumakbo, dito lang ako

Kasalanan ko'ng lahat ng 'to

'Lang humpay sa paggusto

[Bridge: Justin, Stell, Pablo]

Ang lahat ay may dahilan

'Wa, kanan

Sige lang sa paghakbang

Paano pa higitan ang sagad na?

Kung ito na ang wakas

Sa'n ba nagsimula?

Heto na, heto na, heto na, heto na, ah


[Chorus: All]

Bakit ba nagkagan'to? Ang daming tukso

Bawat hakbang laging may gulo

Pagka-malas

'Di ko ugaling tumakbo, dito lang ako

Kasalanan ko'ng lahat ng 'to

'Lang humpay sa paggusto

[Post-Chorus: Ken, Pablo]

Dam, ano'ng pakiramdam? (Ah)

Dam, ano'ng pakiramdam? (Anong pakiramdam?)

Dam, ano'ng pakiramdam? (Ah, ah)

Dam (Ano?), ano'ng pakiramdam?


[Outro: Pablo]

'Lang humpay sa paggusto