Deadma (Version 2)

By Rocksteddy

On Tsubtsatagilidakeyn

Released on May 11, 2005

15K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Matagal ko nang gustong malaman mo

Matagal ko nang itinatago-tago 'to

Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila

Pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin 'to


[Pre-Chorus]

Dahil kumukuha lang ng tyempo

Upang sabihin sa iyo


[Chorus]

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan

Mahal kita kahit 'di mo lang alam, oh, ooh-woah


[Verse 2]

Matagal ko nang gustong sabihin 'to

Matagal ko nang gustong aminin sa'yo

Sandali, heto na at sasabihin ko na nga

Ngayon na, mamaya o baka pwedeng bukas na?


[Pre-Chorus]

Dahil kumukuha lang ng bwelo

Upang sabihin sa iyo


[Chorus]

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan

Mahal kita pero 'di mo lang alam, oh, ooh-woah


[Guitar Solo]


[Bridge]

Ngunit kumukuha lang ng tyempo

Upang sabihin sa iyo


[Interlude]

Mahal kita pero hindi mo lang alam

Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan

Ayaw mo naman itanong sa'kin

Kasi baka nga naman hindi naman ikaw

At hindi ko rin naman sa'yo sasabihin

Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw

Mahal kita pero hindi nga lang halata

Hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa

Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala!

Pero hindi ako torpe

Hindi ko lang talaga masabi sa'yo nang harapan

Mahal kita pero de-hins mo pa rin ramdam

Hindi mo 'ko titignan, hindi rin kita titignan

Lagi mo lang akong pakikiramdaman

Lagi rin kitang pakikiramdaman

At araw-araw tayong magdededmahan

Hanggang sa tayo ay magkabistuhan

Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko

Nais kong magkaalamanan na

Nais kong ako na rin ang magsabi sa'yo nang harapan

Kasi alam kong do'n din naman ang tuloy niyan

At dalawa din lang naman ang

Posibleng sagot d'yan, oo o hindi

Kaya't eto na, sasabihin ko na

Para matapos na at hindi na magka-chismisan pa

Sasabihin ko na para wala nang problema

At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa


[Chorus]

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan

Mahal kita kahit lagi mo na lang

Akong dinededma