Released on May 15, 2008

17K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik

Tatawagin kang kaibigan na pinakamatalik

Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo

Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo


[Verse 2]

Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan

'Di mapigil ang yabang at sakdal na kasakiman

Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya

Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka


[Chorus]

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob

Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog

Lumiyab ka!


[Verse 3]

Sa gitna ng kadiliman may buwitreng nagmamasid

May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig

Iiyak ang mga batang nahulugan ng candy

Lahat ng problema sa iba sinisisi


[Verse 4]

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik

Itinuring mong kaibigan na pinakamatalik

Leeg mo ay pupuluputan, dugo mo ay sisipsipin

Kapag wala ka nang pakinabang ang ending mo ay sa bangin


[Chorus]

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob

Ang pag-ibig na hawak mo?y hindi malulubog

Lumiyab ka!


[Bridge]

Tuwing hating gabi

Maririnig mo ang huni

Ng mga kaluluwang naliligaw

Lahat ng pera sa mundo

Hindi kayang gawing ginto

Ang huwad na tao

Ang mga tinig palakas ng palakas

Hanggang gumuho ang mga hadlang


[Chorus]

Saksi ang langit sa lahat ng naganap

Saksi ang langit sa ikalawang yugto

Lumiyab ka!


[Outro]

Lumiyab ka (sa ngalan ng katotohanan)

Lumiyab ka (sa ngalan ng iyong dangal)

Lumiyab (ang puso mo'y iyong isipin)

Lumiyab lumiyab (ialay mo sa may kapal)