Mirae

By Repablikan

Thumbnail

[Verse 1]

Sana'y pakinggan mo ang awit na sayo inilaan

Kaya ko nagawang isulat para lang maramdaman mo

Ang nadarama ng ‘sangkatulad kong nag mamahal

Kahit panulat at papel ngayon ay lalong nag-mahal

Hindi na bale basta marinig mo ang mensahe ko

At makadalaw kahit tanging dala’y pamasahe ko

Dahil ang siyang makita ka yan lang ang kasiyahan ko

Kahit sabihin man nila pagti-tripan mo lang ako

Wag naman sana kasi ayoko ng ganyang laro

Ako’y seryoso at hinding-hindi ako nagbibiro

Kasi hindi ko mapigilan ang nadarama ko

Papayag na ko kung sakaling ikaw na ang karma ko

Sa'kin ay ayos lang at least di ko pag sisihan

Kahit kadalasan alibi mo ay busy busy-han

Dahil naiintindihan kita’t ayokong mangulit

Kasi pangako ko sayo ako’y magpapakabait


[Chorus]

Hora ashimoto wo mite goran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae wo mite goran

Are ga anata no mirai

Hora ashimoto wo mite goran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae wo mite goran

Are ga anata no mirai


[Verse 2]

Kapag kasama kita ay hindi ko maintindihan

Para ang lahat ng epal gusto kong masindihan

At gusto kong maramdaman mo kung anong nilalaman

Ng aking puso at paniwalaan mong ikaw lang

Ang siyang mahal kahit sabihin pa na o.a daw ako

Bastat malaman mo’t alam ko rin na ok lang sayo

Kasi hindi ako maporma, hindi ako ma boka

Di malakas mambola, di kasing gwapo ni koba

At hindi ako makwento pag kausap mo sa phone

Pero ang ligaya ko nung tayo ay maging mag-on

Dahil ang katulad mo’y hinintay ko ng kay tagal

At ikaw ang siyang tugon saking mga pag darasal

Pag pasensyahan mo na kung medyo korni ang tula ko

Pero alam mo ba sa puso ko pa nag mula 'to

Hindi to kathang isip dahil kusang lumabas ito

Daig ko pang nanalo at ikaw ang aking premyo


[Chorus]

Hora ashimoto wo mite goran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae wo mite goran

Are ga anata no mirai

Hora ashimoto wo mite goran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae wo mite goran

Are ga anata no mirai


[Verse 3]

Sa dinami–dami ng babaeng nagdaan na sakin

Ay ikaw lang ang babaeng ang lahat walang masabing negatibo

Kasi para sa'kin perfect match kana

Di kita pag papalit kahit sa mga kana

Dahil ang pagmamahal ko ay di kayang dangkalin

Mas malawak pa sa dagat di mo kayang bangkain

Di na kayang tanggalin at tangkain man na masira

Mas matibay pa sa bakal kung tiwala ay mabisa

Sana ang pag mamahal ko ay wag sanang pag dududahan

At ipaparamdam ko ito sayo ng dahan dahan

Gagawin ko ang lahat-lahat ng iyong mga naisin

Lagi kang papatawanin at hindi ka gagalitin

Kasi pag nakangiti ka kay gaan ng mundo ko

Pag kayakap kay nalilimutan ang problema ko

Kasi alam mo bang pangalan mo ang laging nasa isip

Sanay makasama ka hanggang sa aking panaginip


[Chorus]

Hora ashimoto wo mite goran

Kore ga anata no ayumu michi

Hora mae wo mite goran

Are ga anata no mirai

Mirai e mukatte

Yukkuri to aruite yuko