64K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Nung una kang makilala

Binigyan mo ng pag-asa

Ang buhay ko'y bigla na lang nagbago

Dahil sa'yo ang puso ko'y natuto


[Pre-Chorus]

Ikaw na sana siyang dalangin ko sa Maykapal


[Chorus]

Mahal kita simula pa nung una

Sana'y mahal mo rin ako

Dahil ika'y nagsilbing pag-asa

At naging ilaw sa'king mundo


[Verse 2]

Nung unang beses masilayan ko ang iyong kagandahan

Na parang meron tumulak at hindi nag-alinlangan

Na pasukin ang tadhanang tayo'y pinagtagpo

Ngunit hindi magagawang sa'yo'y makipaglaro

At tinatak sa'king isipan na lahat ay gagawin

Para sa'yo aking sinta upang iyong mahalin

Ang katulad kong umasa na ika'y dumating

Sa aking puso at sana'y malayo ang marating


[Pre-Chorus]

Ika'y pangarap ko sa'king buhay

Sana'y tanggapin mo


[Chorus]

Mahal kita simula pa nung una

Sana'y mahal mo rin ako

Dahil ika'y nagsilbing pag-asa

At naging ilaw sa'king mundo


[Verse 3]

Pinapangarap ko sa buhay na ako'y mahalin

At ang awitin kong ito sana naman ay dinggin

Upang iyong mapansin 'pagkat nagpapansin

Ang mawala ka sa piling ko kay hirap tanggapin

Dalangin ko sa Maykapal, sana'y ikaw na nga

Ang makasama ko sa buhay at sa'king tadhana

Upang iyong madama pagmamahal ko, sinta

Pinapangako sa iyo na 'di ka na luluha, dahil


[Chorus]

Mahal kita simula pa nung una

Sana'y mahal mo rin ako

Dahil ika'y nagsilbing pag-asa

At naging ilaw sa'king mundo

Mahal kita simula pa nung una

Sana'y mahal mo rin ako

Dahil ika'y nagsilbing pag-asa

At naging ilaw saking mundo