[Verse 1]

Magpaparaya na ako dahil hindi ako gusto ng mahal ko

Sinubukang habulin ka, akala ko'y magagawa

Pero bakit gano'n pinagpalit ako sa tropa ko

Harap-harapang niloko, ginago mo ang tulad ko

Sana malimot na kita

[Chorus]

Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya

Na limutin ka at iwan ka dahil ikaw lang talaga

Ako'y nagmahal ng todo pero ako'y niloko

Sana ngayon ay mahalin at 'wag mong lokohin

Please 'yung bago mo

[Verse 2]

Sa pagpatak ng aking luha na iniingat-ingatan ko

Pagsasama natin parang 'di na magkakalayo

Ang pagitan ng damdamin natin sa isa't isa

Tila ba walang makakapigil sa'ting dalawa

At bigla ka sa'kin nagtapat na nais mong sabihin

Na meron kang iba at 'yan noon mo pa nilihim

Pinaniwala mo ako sa'yong mga pangako

Na kailan man ako sa'yo hindi mabibigo

Umaasa na ako pa rin ang pipiliin mo

Kahit alanganin ang lagay ko d'yan sa puso mo

Basta't bigkasin mo lang na mahal mo pa ako

Tatanggapin ko 'yan kahit na hindi 'to totoo

Ang pagmamahal na binigay ay nasayang lang

Ng sinumpaan, pinangako natin dalawa sa harap ng may lalang

[Chorus]

Ako ay lumuha dahil 'di ko kaya

Na limutin ka at iwan ka dahil ikaw lang talaga

Ako'y nagmahal ng todo pero ako'y niloko

Sana ngayon ay mahalin at 'wag mong lokohin

Please 'yung bago mo

[Verse 3]

Parang ayoko nang ipagpatuloy pa ang buhay kong ito

Kung lolokohin, gagaguhin lang naman ako

Ng babaeng inalayan, nilaaan nang husto

Kahit katangahan iningatan ang katulad mo

Kasi ayoko lang mawawala ka sa'kin

Dahil 'di ko kakayanin ang mga bagay minsan na naagaw nasa akin

Tinuring kong sa akin at nag-iisa ka sa'kin

Ngunit pag-ibig mong hindi pala para sa akin

Nasayang lang itong aking damdamin

Na kailan man sa'yo naging tapat

At para sa'yo hindi naging sapat aking pagmamahal

Nang 'di humihingi ng anuman na kapalit

Pagmamahal na hinangad, bakit sa'kin pinagkait?

Kung kailan ko pa naramdaman ang lahat ng mga 'to

Tyaka pa nawala ka sa tabi ko