Playsafe

By Realest Cram

Released on January 19, 2024

12K Views

Thumbnail

[Intro: Realest Cram]

Ayy, may may, may may, may, yeah, baby

Ayy, damn, damn, damn, damn

[Chorus: Realest Cram]

Sana ako na lang lagi mong kasama

Pagbangon sa umaga, 'di naman sa umaasa, baby

Alam ko rin gusto mo 'kong makasama

Kaso lang nahihiya ka, at takot pang magtiwala, yeah, yeah

Sana ako na lang lagi mong kasama

Pagbangon sa umaga, 'di naman sa umaasa, baby

Alam ko rin gusto mo 'kong makasama

Kaso lang nahihiya, at ayaw mo lang masayang ko ang tiwala mo

[Verse 1: Realest Cram]

Baby, alam mo naman na hindi ako basic

Sa bawat pagkikita natin, dapat laging playsafe

Madaming gumusto pero sa'yo lang naaakit

Malaman man nila, hayaan mo sila magalit, yeah

Dama ko rin gusto mo lang ako makasama

Kung kamalian ka, sa'yo gusto ko magkasala

Para kang kape, kailangan kita sa umaga

Ibang klase mapahal, ang galing ng kalsada

Kung bola ka, 'di na kita papasa sa iba

Tropeyong ipapagmamalaki ko sa kanila

Ikaw ang pagsusulit na gusto kong mapasa

Ayokong tanggapin mundo natin magkaiba

Para kang anghel na binigay ng langit

Demonyo pero sa'yo lang 'to naaakit

Sa dami, ikaw lang naman gusto madagit

Kakaiba ka kaya

[Chorus: Realest Cram]

Sana ako na lang lagi mong kasama

Pagbangon sa umaga, 'di naman sa umaasa, baby

Alam ko rin gusto mo 'kong makasama

Kaso lang nahihiya ka, at takot pang magtiwala, yeah, yeah

Sana ako na lang lagi mong kasama

Pagbangon sa umaga, 'di naman sa umaasa, baby

Alam ko rin gusto mo 'kong makasama

Kaso lang nahihiya, at ayaw mo lang masayang ko ang tiwala mo

[Verse 2: Nateman]

'Di ko sisirain 'yung tiwala mo, mali ang hinala mo

Manatili ka na lang dito sa aking tabi, masaya, imbes na igala mo

Tinama mo mga kamalian, nakatagpo ng babaeng 'di pang-karaniwan

Nasanay sa mga babaeng palamigan na pagtapos labasan rekta na uwian

Dahil sa'yo ay umibig, unang beses kang tumitig

Parang gusto ko sumisid, kahit malunod basta sa pag-ibig

Ibig sabihin ako ay alipin, 'di nila kaya akitin

Masama ang sasapitin, sino susubok sa'yo? Pagpuputukan ko

Gusto ka nila natutunugan ko, pagka nadaan, nagbubulungan, oh

Tayong dalawa magtutulungan na maabot ang mga sana

Manamit na magagara, at kahit ihatid ka sa dambana

Basta tayong dalawa ang magkasama, walang problema na hindi ko makakaya

Buti na lang dumating ka, mga sugat ko sa puso, gumaling na

Ang makitid na isipan, tumalim, inihalintulad sa bituin na makinang

Pagkasama mo 'ko, 'di dapat mailang

Sang-ayon ba sila? Sagot ko, "Hindi may ilan"

Pero wala akong pakialam, mahal kita

Papakita ko na lang, ayaw na salita